Chapter 4
Halik
Magmamadaling araw na ako nakatulog. Halos wala na nga akong itinulog dahil agad akong nagising alis cinco pa lang ng umaga. Kinailangan ko pa ang cold shower para naman mahimasmasan ako ng konti. And it helped though.
Memories of last night flashed through my mind. Mabilis kong pinigilan ang pagtitili. Para akong baliw habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Halos mapunit na ang labi ko kakapigil sa pagngiti. Damn. I can still feel his smooth lips on mine. Oh my God!
"Goodmorning, Yaya Lourdes!" Masaya kong bati kay Yaya noong pababa na ako sa aming hagdanan.
Tumaas ang isang kilay niya at mangha akong tiningnan. Tumawa ako at kinawayan na lang siya.
"Hmm. Seems like someone is in a good mood, huh?" A familiar voice came from nowhere.
Inilibot ko ang aking tingin sa aming living room at nakita ko doon ang nagtatakang mukha ni Tucker. Nanlaki ang mata ko at agad siyang nilapitan.
"Hey! Aga mo ah?" Puna ko at nagbeso kami.
Hindi ko maiwasan ang pagsuri sa kaniya. My friend is so handsome. Chinito at ang puti pa ng balat. Typical Manila boy. Dark eyebrows, pointed nose, and a cupid bow lips! I can't help but to feel proud for having a hot friend like him! Napatingin din ako sa kaniyang damit. He's wearing a casual clothes today. I wonder if he's not busy today.
"You're going to school? I can drive you there." Mangha pa rin niya akong tiningnan.
At dahil sa good mood ako ay agad akong pumayag sa alok niya.
"No need but thanks!" Masaya kong sabi. Fuck! I don't even why I'm so happy right now!
"You're weird..." nanliit ang mata ni Tucker habang pinagmamasdan akong ngiting-ngiti.
"Oh! Don't mind me. Anyway, have you eaten your breakfast? Come, join me." Sabi ko sabay hila sa kaniyang kamay.
Sa hapag ay puro kwentuhan ang ginawa namin. Kung hindi lang kami sinabihan ni Yaya Lourdes sa oras ay baka malate nanaman ako sa school! Masyado yatang napasarap ang kwentuhan namin ni Tucker. Well, I just missed him so much!
"Nay, sila mommy?" Tanong ko nang inihatid kami ni Yaya Lourdes sa labas.
"Maagang umalis, hija." Sagot ni Yaya.
Tumango nalang ako at nginitian siya ng tipid.
"Okay! We're going na! Bye!" sabay kaway kay Yaya Lourdes.
Tumango si Yaya pagkatapos ay pumasok na siya sa bahay. Binalingan ko agad si Tucker na nagsimula nang paandarin ang sasakyan.
"New car?" I asked habang tinitingnan ang interior ng kaniyang Volvo V40.
"Not really. It's a gift from Dad on my 16th birthday." He answered cooly.
"Ang ganda!" Sabi ko at sinamahan pa ng pagtango.
"Thanks!" Ngumiti ng malaki si Tucker sa akin.
Ngumiti na lang ako at inabala ang sarili sa pagsuri sa kaniyang sasakyan. Our cars were all expensive too but I bet this one is more expensive than ours! I remember how girls in Manila like boys who have good looking cars.
"We're here." napaangat ako ng tingin mula sa aking cellphone nang magsalita si Tucker.
Hindi ko manlang napansin na nadito na kami. Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin at bumaba na. Narinig ko rin ang pagbagsak ng pinto sa kabila.
"Thanks, Tuck!" I smiled widely.
"Anything for you." malambing niyang sinabi at humakbang papalapit sa akin.
YOU ARE READING
Trapped In The Past (COMPLETED)
Romance"Kahit ano pang gawin mong pang-iiwan sa akin. Babalik at babalik ka pa rin pabalik sa mga braso ko. Remember that, Ariann. Remember that." - Joel Nicolas Salvedia