Chapter 34

8 2 0
                                    

Chapter 34

Miles


"Mama, can I sleep beside you?" nakangusong si Nico ang bumungad sa aking pinto nang buksan ko ito.

Umawang ang labi ko at napakurap kurap. May dala-dala siyang medyo malaking unan na may mukha ni spiderman. And he's eyes looked sleepy.

"S-sure, baby." gulat ko pa ring sabi.

Mabilis ko siyang hinila papasok ng kwarto ko. Agad naman siyang nagtalon-talon at inunahan pa ako sa aking kama. Mabilis siyang sumampa at nagtalon-talon pa sa ibabaw ng kama ko.

"Mama! Come here! Dali." masayang sabi ng anak ko.

Napailing ako at natawa. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa ibabaw ng aking kama. Tinitigan ko ang anak kong masaya habang patuloy na lumulundag.

"Your bed is so soft, Mama! I could sleep here forever!" my son giggled.

Humalakhak ako at hinila siya para maupo rin sa tabi ko. Nang makalapit ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mama missed you so much, Nico." bulong ko at hinagod ang kaniyang itim na itim na buhok.

Nagpumiglas ang anak ko sa aking yakap at hinarap ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti. Muntikan nang mahulog ang puso ko nang may maalala ako sa kaniyang ngiti. It's feels like I'm looking at his father right now.

"I missed you more, Mama." malungkot na sinabi niya.

"Oh? Why are you sad?" malambing kong sinabi at hinawi ang kaniyang bangs na nasa kaniyang noo.

"Please, don't leave me anymore, Mama. I want you to stay here. Wala akong kasama dito." nakangusong sagot ng anak ko.

Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko habang nakatingin sa anak kong nagdadamdam.

"Why? Lolo and Lola is here naman. Atsaka, Mama is working because of you. Sino na lang ang maybabayad sa school mo kung hindi si Mama mag work?" marahan kong sinabi sa kaniya.

He pouted again. "But I missed you everyday. And I don't want you to work, Mama. I don't want you to get tired."

Oh, my poor baby...

"Sssh, listen. Mommy is working hard because Mama loves you. And Mama wants to give everything to you kaya I'm working." dahan-dahan kong sinabi.

Pero hindi pa rin nagbago ang ekspresiyon niya. Nakasimangot pa rin at sobrang malungkot. Napabuntong hininga ako.

"Don't worry, mama will not work in three months. My boss give me a long vacation kaya matagal mo akong makakasama, okay?" masaya kong sabi para mapanatag ang loob niya.

"But I want you everyday, Mama. Not just for three months."

I sighed. Naku, naku. Ang hirap nito. Sinapo ko ang noo ko at nag-isip pa nang idadahilan sa anak ko. Lahat kasi ng mga dahilan ko may naisasagot siya.

"Ganito na lang, we will go to any places you want. Kahit saan. Isasama natin si Lola at Lola pati ang Tito Mavy mo at Tito Francis para masaya tayo. Okay ba yun?" nakangiti kong suhestiyon.

Mas lalong humaba ang nguso niya pero sa huli ay tumango siya ng dahan-dahan na para bang napipilitan lang.

Napailing na lang ako. Mukhang mahihirapan ako nito. Mukha pa namang hindi na ako pakakawalan pa ng anak ko.

That night, we both sleep together in my bed. Hindi ko nga mapigilang mapaluha habang tinitingnan ko ang anak kong sobrang higpit ng yakap sa akin na para bang aalis ako sa tabi niya. Pero bago kami natulog ay nagkulitan muna kami. At kahit na pagod sa maghapong biyahe ay hindi ko iyon ininda dahil gusto kong maging masaya ang anak ko. Lalo na't punong puno siya ng energy. At kung hindi lang siguro ako nakiusap na magpahinga na, siguro ay hanggang umaga kaming maglalaro.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now