Chapter 20

12 2 0
                                    

Chapter 20

Bagay

After I'm done fitting my dress para sa kasal ng pinsan ko bukas ay pumunta muna ako sa isang mall. Sa isang salon, perhaps. I don't know. Feel bigla na magpakulot ng buhok ngayon. Medyo malungkot dahil walang kaibigan na kasama pero makakaya ko naman ata na mag-isa. With a straight face, pumasok ako sa loob ng kilalang salon at agad naman akong nilapitan ng isang bading. He reminds me of Francis. Sana pala ay isinama ko siya rito!

"Good morning, madame. What I can do for you?" nangingiting sinabi ng bading.

Ngumiti din ako. "Uh... gusto ko sanang magpakulot ng buhok." sagot ko at inilibot ang tingin sa loob. This place is nice. No wonder palaging usap-usapan ito ng mga classmates ko.

Tumango tango ang bading at napatingin sa buhok ko. "Sayang, madame ang ganda pa naman sana ng buhok niyo pero mas babagay siguro sayo ang kulot."

I nodded then smiled. I'm not in the mood to talk right now. Ngumiti muli ang bading at iginaya ako sa isang upuan. Umupo ako doon at napatingin sa malaking salamin sa harapan. I looked at my reflection then on my hair. I have a natural straight hair. Minana ko ito mula kay Mommy. Si Daddy kasi ay medyo may pagkakulot ang buhok.

I decided na magpapedicure at manicure din. Noong last time ko pa kasing nagsalon ay noong nasa manila pa ako. At ito pa lang ang kauna unahang pagpasalon ko noong bumalik ako sa Venetian. Noong una kasi ay palagi kaming magkasabay ni mommy sa pagpapasalon pero noong una lang iyon. Mas naging busy na kasi siya sa work at iba pang mga problems. So after curling my hair ay nagbayad na ako.

"Ayan, madame! Mas bagay sayo ang kulot! Ang ganda!" papuri ng bading na nagkulot sa akin.

I smiled and said my thanks. Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ako ng salon. Saktong paglabas ay tumunog ang tiyan ko. Kinagat ko ang labi ko at napahawak sa tiyan. Ohh... hindi pa pala ako nakakakain ng lunch. Gusto ko sana sa bahay na lang kumain pero nagugutom na ako. Inilibot ko ang paningin ko sa mall para sana maghanap ng malapit na kainan and luckily, meron isang japanese restaurant malapit lang sa salon na pinuntahan ko. Inayos ko ang buhok ko at pupunta na sana ako nang may tumikhim sa likuran ko.

"Hi..." it was a guy.

Napabaling ako sa lalaking bumati. Kumunot ang noo ko. Who is he? I don't know him. He doesn't seem familiar too. I looked at him from head to toe. He's tall and chinito. At mukhang mayaman. Based on the clothes he's wearing.

"Hi?" taka kong sinabi.

The guy chuckled softly. "I'm Gabriel. Nasa loob din ako kanina ng salon na pinuntahan mo..."

Napanguso ako. "Okay?" tanging nasabi ko.

"And I just want to be friends with you, if okay lang sayo..." he smiled showing his perfect white teeth.

Pinaningkitan ko siya ng mata. I know where this is going. Tumikhim ako at sa huli pinagbigyan na lang.

"Oh... sure. Uh... I'm Ariann, by the way." sabi ko at naglahad ng kamay. Well, he seems like a good guy. Wala naman akong nararamdamang masamang vibe sa kaniya. So I think he's harmless.

And he's cute... oh no. Huwag niyo akong isumbong kay Joel. Secret lang natin na nacucutan ako sa lalaking to.

"Thanks!" aniya. "Again, I'm Gabriel Echavez." muli niyang pakilala at tinanggap ang kamay.

Ang lambot ng kamay ha! Medyo nagtagal iyon dahil hindi niya muna binitawan. I cleared my throat at siya namang pagbitaw niya. I smiled fakely. Ang bilis dumiskarte.

"Well, anyway, aalis na ako, Mister Gabriel. May lakad pa ako." sabi ko at akmang tatalikod na sana ng pigilan niya ako.

"Hey, wait... where are you going? Can I come with you?" pigil niya sa akin.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now