Chapter 19
One
The day ended na wala akong sinasagot na tawag mula kay Joel. I can't just stop myself, you know. If you were in my shoes, tapos nalaman mo na kasama ng boyfriend mo iyong babaeng kasama niya noong una siyang nagsinungaling. Sige nga, anong mararamdaman mo?
Busangot akong pumasok sa bahay namin. Pagbukas ko ay saktong pababa sa hagdan si Mommy. My eyes widen.
"Mom!" I excitedly ran toward my mom.
"Hija..." mommy chuckled when I hugged her tight.
I almost forgot na ngayon ang dating nila ni Dad from their vacation!
"Namiss ko kayo ni Dad!" nakanguso kong sinabi nang kumalas na sa yakap.
Ngumiti si Mommy at iginaya ako pababa. I'm still in my uniform right now. Hindi na nga nakapagbihis dahil nabungaran na agad si mommy sa hagdan. I'll just change later. I missed my mom so much.
"Oh, kami rin, hija. Sana pala ay isinama ka namin." sagot ni mommy habang hinahagod ang buhok ko.
I smiled at saka humilig sa kaniyang balikat. "Oh, mom. It's your moment with Dad. At saka ayoko ngang maging third wheel," sagot ko at natawa siya.
"It's our second vacation this year, hija. Noong una ay iyong namatay ang lolo mo at nagayon naman ay nagbakasyon nanaman kami ng Dad mo."
"Because you both need a vacation, Mom. Masyadong naging mabigat ang mga pangyayaring dumaan sa atin. Iyong pagkamatay ni Lolo at sa kabit ni Dad..." naging bulong lang ang huli kong sinabi.
Mommy sighed at agad iniwasan ang topic.
"Anyway, how's school?" she said instead.
I pouted. I suddenly remember Joel. Napasimangot ako.
"It's good, mom..." I just answered.
Papunta na kami sa kusina habang patuloy na nag uusap. Magtatanong na sana ako kung nasaan si Dad pero nakita kong nasa dining table na siya. Wearing a casual clothes, my dad is sitting on his usual seat. Siguro'y hinihintay si mommy. I smiled widely at patakbong lumapit sa kaniya. I hugged him and kissed his cheek. He chuckled with what I did.
Lately, napapadalas na ang naririnig ko tungkol sa kaniyang kabit. Which I don't know if it's true. Or all of that are just rumors. I just hope it's not. I don't want Mom to get hurt. And I don't want a broken family. I don't even have a sister or brother. Kaya naman ayokong nag-aaway sila ni Mommy.
"Hija, kauuwi mo lang?" puna ni Dad nang pasadahan ako ng tingin.
I nodded at umupo sa kaliwang upuan. Si mommy naman ay sa kanan. Si Dad ay nasa kabisera.
"Hindi na po ako nakapagpalit dahil excited akong makita ka..." I said grinning.
Daddy chuckled at napailing. "May kailangan ka no?"
Ngumuso at umiling. "Of course, not!" natatawa kong sinabi.
Natawa si mommy habang pinagmamasdan kami ni Daddy. Ang totoo kasi ay may nakita ako kanina sa online na bag habang nasa sasakyan ako. And I'm planning on buying it since matagal na rin noong last time I shop. At good timing kauuwi lang nila Dad. Pwede akong humingi since hindi naman ako nanghingi sa kanila ng pasalubong.
After we done eating nagkwentuhan muna kami tungkol sa mga ginawa nila Mommy at Daddy sa kanilang vacation. It was good, actually. Iyong kahit sa kaonting oras nakabond mo iyong family mo. I just hope wala ang problema ang dumating sa amin. I don't want mom to stress more. And I hope the rumors about Dad's mistress is not true.
YOU ARE READING
Trapped In The Past (COMPLETED)
Romance"Kahit ano pang gawin mong pang-iiwan sa akin. Babalik at babalik ka pa rin pabalik sa mga braso ko. Remember that, Ariann. Remember that." - Joel Nicolas Salvedia