Chapter 21

12 2 0
                                    

Chapter 21

Loyal

Sa isang hotel na pagmamay-ari nila ate Jean ginanap ang reception. Sila mommy ang kasama ko papunta doon. At pagdating pa lang namin sa hotel ay agad na akong nilapitan ni Gabriel. Smiling from each to ear. Umirap ako. Bumalik nanaman ang inis na nararamdaman ko. Kanina kasi ay hindi na niya ako nilubayan. Kapag lalapit siya agad naman akong lalayo. And he even had the gut to introduced himself to my parents as my friend daw. The nerve!

"Hi, Tito, Tita!" See? Nakakainis talaga siya.

Itinikom ko na lang ang bibig ko para hindi ako makapagsalita ng hindi maganda. Ngumiti si mommy at tumango naman si Daddy.

"Hello, hijo. Nandoon na ba ang magulang mo?"

It's because our parents knew each other, too! I don't know if it's just a coincidence or what.

"Ah, yes, Tita. They're inside na po," nakangiting sagot ni Gabriel.

Tumango muli si mommy at napatingin sa akin. "Kayo na ang magsabay ni Gabriel, Ariann. Mauna na kami." and with that umalis na sila mommy. Leaving me alone with this annoying Gabriel.

I shook my head. How can my parents trusts this guy easily? Eh kakakilala lang nila kanina sa simabahan, ah? I can't believe this! Ipinagkatiwala nila ako sa isang stanger pa sa akin.

"You're frowning again. I told you-"

"Shut up!" inis kong sinabi at tinalikuran siya. Mabibilis ang lakad ko papasok sa hotel. Naramdaman ko ang pagsunod niya.

"Hey. Bakit ka nagagalit?" inosenteng tanong niya.

Napapikit ako. "Because you're annoying!"

"I'm not annoying. I'm Gabriel." he said playfully.

Pinigilan ko ang pagsabog sa kaniyang harapan. Ugh! Nakakainis talaga siya! Ngayon lang ako nainis ng sobra sa isang lalaki!

"Stop following me!" sabi ko nang sumunod pa rin siya sa akin nang makalabas kami sa elevator.

Natatawa siya habang sinusundan pa rin ako. "I'm not followig you. Doon din ako pupunta sa pupuntahan mo, Ariann." halakhak niya.

Sobrang init ng pisngi ko sa pinaghalong inis, galit, irita at pagkapahiya. Damn it!

"Eh di huwag kang lumapit sa akin!" I fired angrily.

Tumawa siya at nagkibit balikat. "I can't. You know I like you," he smiled.

I pressed my lips in annoyance. Calm down, Ariann. Calm down. Huwag mo na lang siya pansinin. Isipin mo na lang na invisible siya. I tried, though pero mahirap siyang hindi pansinin. Kapag aksidenteng napapatingin ako sa kaniya at ngingiti siya at kikindatan ako. Pilit ko na lang na itinatago ang pagkainis ko.

Sa mesa ay kasama ko doon ang ibang pinsan ko at sila Mommy at Daddy. At ang nakakainis na si Gabriel ay piniling umupo sa likod ko. Kaya naman halos magkatabi na kaming dalawa. Gusto ko sanang makipagpalit kaso baka magtaka sila Mommy. Kaya naman hinayaan ko na lang. Pero nang maramdaman ko ang kaniyang paglingon sa akin at bahagya akong tinawag ay nainis nanaman ako.

"Hey. Tingin ka dito." sabi niya.

Hindi ako lumingon. Humalukipkip ako at hindi siya pinansin.

"Ariann..." he called again.

Ugh. Wala na ba siyang maiinis at ako ang pinili niyang inisin? Mas nakakainis pa siya kesa kay Mavy.

Pinili ko na lang tingnan ang mga waiter na nagseserve ng mga pagkain. Medyo nagugutom na rin ako dahil kanina pa ako kumain at water pa lang ang tanging laman ng tiyan ko. Nakadagdag pa sa pagod at gutom ang pang aasar sa akin nitong Gabriel na to.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now