Chapter 25
Wish
Napangiwi agad ako nang magtama ang paningin namin ni Daddy pagkapasok ko sa kusina namin. Nakaupo silang dalawa ni Mommy sa dining room at tila hinihintay ang pagdating ko. I went outside for a jog noong dumating ako from school. Maaga pa kasi at naisipan ko munang maglakad lakad sa park malapit lang sa bahay namin.
Kanina sa cafeteria ay halos hindi na ako makakibo. Samot saring emosyon ang naramdaman ko sa oras na iyon. Sabay-sabay na bumuhos.
Kahit na alam kong normal lang naman iyon sa mag girlfriend at boyfriend na iwallpaper ang isa-t isa, ay nagulat pa rin ako. Hindi ko iyon inakala. That action was heartwarming. Kahit na alam kong wala lang iyon sa iba.
He took the picture two years ago. Hindi ko na nga iyon maalala noong araw na iyon. Hindi ko nga maalala na kinuhanan niya ako.
Dammit! Ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng pisngi ko. Lalo na noong makita niya ang gulat kong reaksiyon. Nakahalukipkip siya habang nakanguso akong pinagmamasdan.
Hindi ko lang ma imagine na gagawin iyon ng isang lalaking tulad niya. I mean, diba iyong mga kababaehan lang iyong mahilig sa ganiyan? Kaya naman hindi ko iyon expected!
Nakayuko at puro pag-iiwas lang ng tingin ang ginawa ko buong oras noong kumain kami sa cafeteria. Hindi ko na tinangkang kunin ang kaniyang cellphone dahil natatakot akong makita niyang manginig ang kamay ko. Lalo na't alam kong titig na titig siya sa mga galaw ko. Dammit! Pakiramdam ko ay tuwang tuwa siya na nakita ko ang wallpaper niya. Dapat kasi hindi ko na hiniram eh.
Bumuntong hininga ako at balak na lang sanang tumalikod at mamaya na lang uminom nang mapatigil ako ng magsalita si Mommy. Tumigil ako sa paghakbang at napalingon sa kaniya. I'm wearing short shorts and a loose top. Nakasabit ang headset sa aking balikat at nagtaas ng kilay kay Mommy.
"Where are you going? Kakain na tayo." malumanay na sinabi ni mommy.
Pinaglaruan ko ang hawak na earphone at napabaling kay Daddy. He's silent but he's looking at me sharply. I mentally rolled my eyes.
"I'm not hungry, Mom. Mamaya na lang kapag gutomin na ako..." pilit kong hindi maging bored ang tono ng boses ko.
Mommy sighed. Tumango ako sa kaniya at dumiritso na sa kwarto. Ang totoo ay ginugutom na ako. Hindi kasi ako kumain ng snacks kanina dahil nakalimutan kong magdala at wala rin akong dalang perang pambili.
I'm hungry pero ayokong kasabay si Daddy. Baka mamaya magsimula nanaman siya at magkasagutan lang kami sa hapag. As much as I want me and Dad to be okay, pinipigilan naman ako ng sarili ko. Nagalit ako sa kaniya dahil sa mga pinagsasabi niya sa mga Salvedia. Wala siyang proof na ganoong nga ang Salvedia at alam kong hindi sila ganun.
Umupo ako sa aking kama at nagtanggal ng sapatos. Even this shoes is from my Dad. Gusto ko sanang magpabili ng sapatos pero dahil hindi kami okay ngayon ay mukhang maantala iyon. Ayoko namang humingi kay mommy dahil alam kong pagagalitan lang nanaman niya ako dahil madami pa naman akong sapatos na hindi pa nagagamit.
Humiga ako at napatingin sa ceiling. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay Dad. I want him to like Joel. Gusto ko iyong kayang kaya at malaya kong madadala si Joel dito sa amin. Na walang pumipigil o nagagalit. Gusto ko iyon. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo. I'll just get a shower first. Malagkit kasi dahil sa natuyong pawis.
Paglatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Nasa hagdanan na ako nang makasalubong ko si Daddy. Paakyat din siya at ako naman ay pababa na. May dala siyang mga papel sa kaniyang kamay. Nagkatinginan kaming dalawa pero ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Ayoko nang ganito. Ayoko na cold kami ni Daddy sa isa-t isa. Gusto kong ibalik namin iyong dati. But things changed now. At alam kong matatagalan pa atang maibalik ang dating relasyon namin.
YOU ARE READING
Trapped In The Past (COMPLETED)
Romansa"Kahit ano pang gawin mong pang-iiwan sa akin. Babalik at babalik ka pa rin pabalik sa mga braso ko. Remember that, Ariann. Remember that." - Joel Nicolas Salvedia