Chapter 9

14 2 0
                                    

Chapter 9

Bye

Kabado ako nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Agad akong lumabas at sinulyapan ang garden. Wala akong makitang tao doon. Kumunot ang noo ko. I thought he's still here?

"Pumasok ka na. What are you still doing there?"

Napatalon ako nang magsalita si mommy. Kinakabahan akong tumango at agad naglakad papalapit sa pinto. Isang beses ko pang sinulyapan ang bakuran namin bago tuluyang pumasok.

"Go upstairs and change. Kakain na tayo."

Tumango ako kay mommy at dumiritso na nga sa kwarto. Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe para kay Joel.

Ako:

Nasaan ka? Akala ko ba nandito ka pa?

Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob. Binuksan ko ang ilaw at tinapon ang bag sa couch na naroon. Agad akong naghubad ng blouse at skirt at tinapon din iyon sa ibabaw ng kama. Now I'm just wearing my cycling and a brown tube. Naupo ako sa kama at hinintay ng reply ni Joel. Lumipas ang ilang minuto pero wala pa akong natatanggap. Ngumuso ako at napasimangot. Sabi niya nandito pa rin siya pag umuwi ako! Padabog kong itinapon ang cellphone sa aking kama at tumayo. Naglakad ako patungo sa banyo nang mapatigil ak bigla. May narinig akong kaluskos sa kung saan. Kumunot ang noo ko at sinubukang tumahimik. Halos hindi na ako humihinga para lang marinig kung saan nanggagaling iyong tunog. Seconds passed pero wala na akong narinig pa. Marahan kong binuga ang hangin sa bibig ko. Maybe I'm just hallucinating.

Umatras ako at pinagpatuloy na ang pagtungo sa banyo. Bubuksan ko na sana ng marinig ko muli ang kaluskos. Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ay sigurado na ako na hindi ako naghahallucinate! Kumalabog ang dibdib ko sa kaba at takot. Oh my God. Baka magnanakaw!

Napatalon ako nang may biglang kumatok sa pinto ng balcony ko. Mas lalo akong natakot. Baka iyong magnanakaw na iyon! P-pero imposibleng may makapasok na magnanakaw dito! This is the most secured subdivision in the whole Venetian. At kung may magtangka mang magnakaw ay malamang nakita na iyon ni Manong Guard. Pero that's not impossible too! Maraming matatalinong magnanakaw ngayon. Mga hightech na din sila.

May kumatok muli. Halos manlamig na ako. Sinubukan kong igalaw ang paa pero hindi ko iyon magawang ihakbang. Isang katok muli at napasigaw na ako sa takot.

"Mommy!"

Kahit na imposibleng marinig iyon nila mommy. Malaki ang bahay namin at nasa baba sila! Napatingin ako sa aking lampshade. Napalunok ako at dahan-dahang lumapit doon. Nanginig ang kamay ko nang inangat ko iyon. Kung tutuusin ay pwede akong lumabas pero baka makapasok ang magnanakaw! Ayokong madamay pa sila mommy. Maraming balita na pinapatay din ang mga nakatira sa bahay ng mga ninanakawan ng mga magnanakaw. I'm not sure kung kayang ipatumba ang magnanakaw na iyon itong hawak ko but I'll try!

Dahan dahan akong lumapit sa pinto patungo sa balcony. Nanginginig pa ang mga kamay ko. Mahigpit kong hinawakan ang lampshade habang inaabot ang door handle. Saktong paghawak ko nun ay siya ring pagbukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong ginapangan ng panlalamig. Nanginginig kong itinias ang lampshade at hinintay na makapasok ang magnanakaw. Pero ganoon nalang ang pagkagulat at halos mapamura ako ng malakas ng makita kong sumungaw ang ulo ni Joel sa siwang ng nakabukas na pinto. Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwala siyang tiningnan.

"Oh dammit!" inis kong sinabi at padabog na ibinaba ang lampshade.

"What the hell, Joel?! Tinakot mo ako! Damn it! I thought you're a thief!" galit kong sigaw.

"What? I texted you. Sinabi kong nandito ako sa balcony ng kwarto mo." nakakunot noong sagot ni Joel.

Umawang ang labi ko at marahas na napabuntong hininga. Padabog akong naupo sa kama at humalukipkip siyang tiningnan ng masama.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now