Chapter 39

12 1 0
                                    

Chapter 39

Whiskey

"Maghahanda na po ba kami, Ma'am Ariann?" bungad ng isang kasambahay namin pagkapasok ko sa kusina.

Tumango ako at naupo na sa aking upuan. It's already two in the afternoon and I haven't eaten my lunch. My head is throbbing in pain. May hangover pa ata ako. Kagabi kasi ay nagyaya si Mizzie at Rafael na mag unwind sa isang bar hindi kalayuan sa amin. Gusto ko sanang tumanggi dahil ayokong iwan anak ko pero wala na akong nagawa ng magsimulang magdrama sa akin si Mizzie.

"You promised me! I hate you! Kahit isang gabi lang. I'm sure Nico will understand." nakangiwing sinabi niya habang nagfaface time kami.

Kinagat ko ang labi ko nang maalala na nangako nga pala ako sa kaniya ng isang night out. Pinanliitan ko siya ng mata at sa huli ay napabuntong hininga na lang.

"Fine. Basta hindi tayo magpapagabi masyado!" I said. I don't want to break her heart and I already made a promise to them.

"Yes! Of course! Just a little chitchat and drinks then were done!" maligayang sinabi niya ng pumayag na ako.

Isang black sleeveless dress and suot ko at isang itim na stilletos naman ang ipinares ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay pinuntahan ko muna ang kwarto ng anak ko para makapagpaalam. Kumatok ako bago pumasok at nakita ko siyang seryosong nagsusulat sa kaniyang study table at hindi man lang ako nilingon dahil sa sobrang seryoso niya sa ginagawa.

I smiled and walked towards him. Hinawakan ko ang buhok niya at hinalikan siya sa kaniyang pisngi. Mabilis agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. I smiled at him.

"What are you doing?" tanong ko.

"Homework, Mama..." aniya at bumaba ang mata sa aking damit. "Where are you going?" tanong niya.

"My friends invited me to a... bar, Nico. Hindi naman ako magtatagal. Mag-uusap lang kami then uuwi na." sagot ko.

Dahan-dahan siyang tumango at napanguso. "Take care, Mama..."

Napangiti ako at hinaplos ang kaniyang pisngi. "Yes, of course. Pagkatapos mong mag assignment, sleep na, ha? Huwag nang magpupuyat. Aalis na ako. I love you..." sinabi ko.

Tumango siya at tipid na ngumiti. "I love you, Mama..."

Nasa loob ng sasakyan ay tinext sa akin ni Mizzie ang address ng bar kung saan kami magkikita. It's a high end and elegant club. Sikat at mga mayayaman lang ang nakakapunta. I've been there once noong after kong grumaduate at marami akong nakitang mga sikat na artista. I also spotted some bachelors. I even saw Jaime Cayetano, the young bachelor businessman.

Paglabas ko ng sasakyan ay agad kong naramdaman ang lamig nang umihip ang paggabing hangin. Agad akong nagsisi na hindi man lang nagdala ng coat para hindi lamigin. Mabilis akong pumasok sa loob ng club at kahit nasa bukana pa lang ng club ay dinig na dinig ko na ang sigawan ng mga nasa loob. Hindi pa nga masyadong malalim ang gabi pero marami na ang nasa loob at nagpaparty.

Nginitian ko ang bouncer na nagbabantay sa may pinto. Pinapasok naman agad ako at agad akong nasilaw sa mga lights. Pinikit ko ang mata ko at naglakad pa papasok. Pinaghalong usok ng sigarilyo at alak ang naamoy ko. Kitang kita ko rin na puno na ang dancefloor ng mga lasing na nagsasayawan. Napangiwi ako at inilibot ang mata sa loob. I forgot to ask Mizzie where they are. Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan na sana ang number ni Mizzie nang marinig ko ang isang sigaw galing sa malayong banda.

"Ariann! Over here!" boses ni Mizzie ang umalingangaw kahit na sobrang lakas ng music.

Inilibot ko ulit ang paningin ko sa paligid para hanapin ang pinaggalingan ng boses at nakita ko si Mizzie sa isang malayong banda at nakataas ang isang kamay habang kumakaway sa akin. Ibinaba ko ang cellphone at naglakad na patungo roon. Sa gilid lang ako ng dancefloor dumaan dahil natatakot akong may bumunggo sa akin pero kahit na anong gawin kong pag-iingat ay may malikot pa ring muntikan nang mabunggo sa akin. Isang lasing at malikot na babae ang biglang lumitaw sa harapan ko at muntikan na siyang matumba kung hindi ko lang nahawakan ang braso niya. Pinatayo ko siya pero dahil sa sobrang kalasingan ay hirap siyang ibalanse ang katawan.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now