Chapter 14

17 2 0
                                    

Chapter 14

Surreal

Days passed like a blur. Hindi ko alam kung paano o bakit naging close kami ni Joel. It happened so fast.  Ang tanging natatandaan ko lang ay noong tinuruan niya ako sa aking report. And that was weeks ago. Noong biyernes ay niyaya ko siyang kumain in a nearby cafe. Libre ko dahil sa pagtuturo niya sa akin. And after that, we always hang out together. Everyone thinks that we are some in a relationship. Well. I will not deny the fact that I'm attracted to him. That I like him. Kaya halos aatakehin ako sa puso everytime that we are together.

"Go, number 7!" sigaw ni Francis sa tabi ko.

Nakita kong nagtalon talon siya ng makitang na kay number 7 ang bola. Tumayo na din ako at nakicheer na lang din sa mga players.

"Ang gwapo mo, Mr. Olybar!" panibagong tili mula kay Francis.

We are now in our school gym. May practice game ngayon ang basketball players ng school namin. I invited him here dahil wala siyang pasok ngayong umaga. Tumili din ako ng makitang nakashoot si Graysen. Iyong gwapong basketballer sa kabilang kupunan. Nakita kong napatingin siya sa akin at kinindatan ako. Nanlaki ang mata ko at tumawa. Narinig ko ring natawa si Francis sa tabi ko. Yes, we are friends. Alright, I know it's weird because we're exes but he's a good friend to me. Actually, he's a good friend. I forgive him and forget that he used me for cover up. But before I forgive him, I told him that if he wants my forgiveness he should show his true color. Iyong hindi siya magpapanggap bilang ibang tao. I want him to be himself. Not anyone else. And ito na nga ang ginagawa niya. I mentally rolled my eyes. I can't help but think that it's a bad idea....

"Omg! He winked at you! Ang landi mo talaga! May Joel Salvedia ka na nga eh!" he jokingly said.

I made a face. Nakita kong bumaling sa akin ang mga kababaihan malapit sa amin, siguro'y narinig ang sinabi ni Francis.

"Oh, shut up!"

He doesn't need to say it out loud!

He grinned playfully. Inirapan ko siya at naupo na lang sa upuan doon. My phone beeped at agad ko iyong hinagilap sa skirt ko. I opened it and saw a text message coming from Joel Salvedia. My heart leaped.

Joel:

Where are you?

Ngumuso ako at nagtipa ng reply.

Ako:

Gym. Why? Nanonood kami ng practice game.

Joel:

Really? You must be enjoying, huh? You even cheered to that asshole.

Nalaglag ang panga ko at inilibot ang tingin sa buong Gym. Is he here? That's impossible. Ano bang gagawin niya dito, kung ganoon? And he still have class this hour!

Ako:

Where are you?

He didn't reply immediately. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala nang dumating pa. Napabuntong hininga kong ibinaba ang phone at humalukipkip. I don't really know what's the real score between us. Hindi pa lang kami matagal nagkakakilala but we often go out. Lalo na kapag weekend. Niyaya niya akong kumain sa labas ng skwelahan. I remember how I try to swallow the food he brought. Bilog siya at kulay puti. I remember him say that the name of that food is fishball. And of course. At first tumanggi ako pero pinilit niya akong pakainin iyon. And it taste good, actually. I even brought 5 sticks. And he teased me dahil hindi niya daw maimagine na kumakain na ako nito. Ako rin naman, hindi ko halos maisip na nakaya ko iyong kainin. Paano kaya kapag malaman ni mommy na kumain ako nun? She'll probably freak out.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now