Chapter 24

15 2 0
                                    

Chapter 24

Stolen

"Nag-away kami ni Dad..." bumuntong hininga ako habang nakatingin sa mga bituwin sa langit. Kitang-kita ko ang paborito kong constellation sa langit. Cassiopeia. I lifted my hand at kunwariy hinawakan ko iyon.

"I'm sorry. Nang dahil sa akin ay nagkakagulo kayo..." narinig ko rin ang pagbuntong hininga ni Joel sa kabilang linya.

Ibinaba ko ang kamay ko at napahilig na lang sa barandilya ng balkonahe ko. Kanina noong umalis si Daddy ay umakyat na agad ako sa taas. Agad kong tinawagan si Joel at sinabi ko sa kaniya ang nangyari kanina.

"It's not your fault, okay? Sabi ko naman sayo na lalaban ako para sa ating dalawa," I said.

"I'm worried. Pupunta ako diyan."

Nanlaki ang mata ko. "No. Paano kung makita ka ni Dad? Baka kayo naman ang mag-away!" agaran kong sagot.

He sighed again, "Nag-aalala lang ako sayo..." aniya. "Just... please... text me everytime. Sabihin mo sa akin kung ano ang mga nangyayari diyan."

I nodded. "Okay po..."

Hindi siya umimik. Tanging ang kaniyang paghinga lang ang naririnig ko sa kabilang linya. I bit my lower lip. Hindi ko mapigilang masaktan sa aming dalawa. Hindi ba pwede na maging kami na walang pumipigil sa aming dalawa?

Kahit na palagi kaming nag-aaway, gusto ko pa rin siya. Kahit na minsay ay hindi kami nagkakaintindihan, I still want him for me. Kahit na minsay ay napapaiyak niya ako, he's still my happiness.

"Hindi ka pa ba matutulog?"

Sa tanong niya ay napahikab ako. Sa sinabi niya ay bigla kong naramdaman ang pagkapagod. Halos hindi ko na nga iyon maramdaman dahil sa dami ng mga iniisip.

"Do you want me to sleep?" biro ko.

"I know you're tired. Kahit na gusto pa kitang makausap, pero kailangan mong magpahinga. Let's just talk tomorrow." aniya sa kabilang linya.

Napangiti ako at naglakad na papasok sa loob. Isinarado ko ang pinto habang ang cellphone ay nasa tenga pa rin.

"Hmm. Okay. Pagod na rin ako." sagot ko at dumiritso sa kama. "Ikaw? Matutulog ka na rin?" tanong ko.

"Let's sleep together..." malambing niyang sinabi.

I chuckled. "Okay." ngumisi ako.

"Goodnight..." mahina ngunit malambing niyang sagot.

Humiga ako sa aking kama at nagtalukbong ng comforter.

"Goodnight..." I answered.

"Ibaba mo na." aniya.

"Bakit?" tanong ko.

"Gusto ko ikaw ang unang magbaba,"

Natawa ako. "Bakit nga?"

Napapikit ako. Halos nahuhulog na ang talukap ng mata ko pero sinubukan ko pa ring magising

"Basta. I just want to. Sige na..."

Ngumisi ako at napailing, "Sige na nga. Bye, goodnight..." nakapikit na sinabi ko.

"Okay, goodnight too. Baba na..."

"Sweetdreams..." sabi ko at sinundan iyon ng mahinang pagtawa.

I heard him groan on the other line. "Ang kulit. Baba na nga..." naiinis pero ramdam ko ang kaniyang pag ngisi.

"Oo na!" sabi ko at ibinaba na nga.

Halos hindi ko na iyon nasundan pa. Agad na akong tinangay ng antok at pagkagising ko kinabukasan ay umaga na. Agad kong hinagilap ang cellphone ko sa aking kama. Hindi ko na iyon nailagay sa side table dahil sa sobrang kaantukan. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ilalim ng kama ko at binuksan. Halos nakapikit pa ang isa kong mata. I'm still sleepy but I need to get up! May klase na pala ngayon!

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now