Chapter 26

14 1 0
                                    

Chapter 26

Cruel

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga sa araw na ito. Kanina pa ako tapos make upan at naghihintay na lang ako sa pagtawag sa akin ng organizer ng debut ko. I'm feeling nervous. Hindi ko alam kung bakit pinagpapawisan at kinakabahan ako. Napalunok ako at muling napabuntong hininga.

Sinubukan kong pakalmahin ang sistema ko pero wala pa ring epekto. Damn, I'm nervous! And I don't know why!

Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa artist and stylist did a magic on my face and my hair. My hair is styled in an elegant top knot. May mga gahibla ng buhok na nakalaylay sa gilid ng pisngi ko. Meron ding sa likod. At may nakalagay na mga palamuti sa buhok ko para mas maging elegante tingan.

Hindi masyadong makapal ang make up na inilagay sa akin. Medyo light lang siya dahil iyon ang gusto ni mommy. Aniya ay soft naman daw ang features ng mukha kaya hindi na daw masyadong makapal ang ilagay na make up sa akin. My soft impressive eyes were now very defined. Mas lalong tumaas ang ilong ko dahil sa ginawang pag contour. At ang pilikmata ko ay iyong akin lang talaga. Hindi ako pinagsuot ng fake eyelashes dahil makukurba at mahahaba na ang pilikmata ko. Nilagyan na lang iyon ng mascara.

My make up is waterproof kaya naman hindi ako nag-aalala. Alam ko kasing baka pagpawisan ako mamaya at ayaw ko namang masira ang make up ko.

I'm wearing a lavender off shoulder ball gown. May mga beads iyon at mga crystals na kapag natatamaan ng ilaw ay kumikinanang. Medyo hindi ako makapaglakad ng maayos dahil masyadong mabigat ang gown ko. Mabuti na lang at hindi ko iyon naapakan. My gown was made by a famous Fashion Designer from Manila. Pinaghandaan at pinaggastusan talaga.

"Miss Ariann. Be ready na po..." napatalon ako nang biglang pumasok si Sarah, iyong isang event organizer na kasama ni Ate Jes.

Ngumiti ako at tumango. "Sige po." sagot ko.

Tumango siya at umalis na. Naiwan ulit akong mag-isa sa kwarto. Kanina ay pinuntahan ako ni mommy at daddy dito. They greeted me Happy Birthday and they gave me their gift. At muntikan na akong mapatili noong ibinigay sa akin ni mommy ang isang susi. Nagtaka ako dahil hindi ko alam kung para saan iyon but mommy told me they brought me a brand new Lexus! My goodness! Iyon ang pangarap ko!

"Happy Birthday, hija. I'm sorry for everything, anak. I hope you forgive me." ani ni Daddy habang niyayakap ako.

"I'm sorry too, Dad." naiiyak na sagot ko.

"Sana ay magkaayos na tayo. It's been months..." bulong ni Daddy.

I nodded. "Yes, Dad. But please, payagan mo na ako kay Joel, Dad. I love him. Just please, please support me, Dad. Iyan lang ang tanging hiling ko sa iyo," ani ko at kumalas sa kaniyang yakap.

Hindi agad nakapagsalita si Dad. Tinitigan ko siya. Kinagat ko ang labi ko habang hinihintay ang kaniyang sagot. Sinubukan niyang ibinuka ang kaniyang bibig para makapagsalita pero agad din niya iyong itinikom. Napapikit siya at sa huli'y tumango.

"Okay. I'll... try." nahihirapan niyang sinabi.

My eyes widened.

"Really? Thanks, Dad!" masaya kong sinabi at muli syang niyakap.

Sana ay matanggap na talaga ni Daddy si Joel. I'm very happy. Iyon lang naman ang tangi kong hinihiling ngayon sa Birthday ko. Ang matanggap ni Daddy si Joel. I know that Daddy is always true to his words kaya alam kong gagawin niya ang kaniyang sinabi. Alam kong masyadong mabilis pero dadahan-dahanin ko muna. Alam kong nahirapan si Daddy sa kaniyang pagpayag at sa pagtanggap sa amin, but we'll wait. Hanggang sa lubos na niya kaming matanggap. Tanggap niya man kami ngayon pero siguroyp hindi pa ganoon. At ang kailangan kong gawin ay maghintay.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now