Chapter 31
Choice
After magbayad ng hospital bills ay umuwi na kami sa bahay. We were all silent the whole time inside the SUV. Panay ang sulyap ni mommy sa akin at nakailang tangka si Daddy sa pakipag-usap sa akin kanina. But I remained stoic. Talking to him, arguing rather will only cause me stress.
The whole ride was smooth. Sobrang bagal na animoy takot ang driver sa utos ni daddy sa kaniya na magdahan-dahan lang sa pagdrive. Kaya naman ay nakaidlip ako sa kasagsagan ng biyahe. Nagising ako sa mahinang tapik sa aking pisngi ng isang malambot na kamay.
"Wake up. Nandito na tayo..." si mommy nang dumilat ako.
Nag-inat ako bago lumabas ng sasakyan. It's three oclock in the afternoon of September. Mainit pa at asul na asul ang kalangitan ng tumingala ako.
Sinalubong agad kami ni Yaya Lourdes na punong puno ng pag-aalala. I just smiled at her. Si mommy na ang nag explain sa kaniya kung anong nangyari sa akin at dumiritso naman ako sa aking kwarto. I just want to take a nap kahit na katutulog ko pa lamang kanina sa sasakyan. And I'm so tired kahit na nakahilata lang naman ako sa hospital bed. The throb in my head ay hindi na kasing sakit ng kanina.
Pumasok ako sa kwarto at agad akong inakit ng malambot kong kama. Patakbo akong humiga doon at agad na pinagsisihan ang ginawa. My goodness, Ariann! My baby na sa loob ng tiyan mo kaya magdahan-dahan ka!
I bit my lower lip. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaanak na ako. I still can't believe I'm pregant with Joel. May buhay na sa loob ng sinapupunan ko. Marahan kong hinaplos ang flat kong tiyan. Anytime now, magkakaumbok na ito. I can't help but to feel excited.
What will be the reaction if I tell Francis about this? Joel's family? Or Joel, perhaps?
I'm excited pero may parte sa akin na kinakabahan ako!
Joel will be a father soon. So am I. I'll be a mother soon.
Isang tunog ng cellphone ang nagpabalikwas sa akin sa pagkakahiga. Mabilis kong hinagilap ang cellphone ko at natagpuan ko iyon sa ilalim ng unan ko.
Bumundol ang kaba sa akin ng makita ang pangalan ni Joel sa screen ng cellphone ko. Thrilled and excited, pinindot ko ang accept button pero kasabay noon ang pagkapatay ng cellphone. Umawang ang bibig ko.
"What the..."
Tahimik akong napamura at sinubukan ulit na buhayin ang phone. But no avail. I let out a silent curse saka hinanap ang charger ng phone. Isinaksak ko agad iyon at agad na nabuhay ang phone.
Saktong pagbukas ay bumungad agad ang isang bagong dating na mensahe. I opened it at nakitang kay Joel iyon.
Joel:
You're not answering my calls. At ngayon na sinagot, pinatay mo naman.
Suminghap ako at nagtipa ng reply.
Ako:
I'm sorry. Saktong pagsagot ng tawag mo ay nalowbat ang cellphone ko.
Pagkatapos kong isend ay tiningan ko ang phone manager at nakita ang napakaraming missed calls ni Joel. Kaya pala nalowbat ang cellphone ko dahil sa napakaraming tawag galing sa kaniya.
Tumunog ang cellphone ko sa panibagong text.
Joel:
Are you okay? Nag-alala ako, Ariann.
Kinagat ko ang labi ko. Should I tell him now? Huwag na! Sa personal na lang, Ariann!
Ako:
Can I see you?
YOU ARE READING
Trapped In The Past (COMPLETED)
Romance"Kahit ano pang gawin mong pang-iiwan sa akin. Babalik at babalik ka pa rin pabalik sa mga braso ko. Remember that, Ariann. Remember that." - Joel Nicolas Salvedia