Chapter 6
Bibisitahin
Excited akong gumising kinabukasan. Napansin ko agad ang pag gaan ng pakiramdam ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita doon ang mensahe ni Joel. Uminit ang pisngi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na. Kami na! I'm his girlfriend and he's my boyfriend! Pinigilan ko ang pagtili.
Tumikhim ako at binuksan na ang mensahe.
Joel:
Good morning. You're awake? Don't forget to eat your breakfast.
Napangiti ako at agad na nagtipa.
Ako:
Good morning! Yes. Ikaw rin :)
Sent!
Tumihaya ako ng higa sa aking kama at tumingin sa aking ceiling. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang mga sinabi niya kagabi. It feels so surreal. I know it's too fast but damn it! I like him very much!
Joel:
Hmm. See you later.
Mas lalo pang lumaki ang ngisi ko at bumangon na. I did my usual routine pagkatapos ay bumaba na. Ngiting-ngiti pa ako habang pababa ng hagdan nang may magsalita sa likod ko. Tumigil ako at nilingon si Yaya Lourdes na umiiling-iling.
"Ewan ko kung ano na ang nangyayari sa batang to. Kahapon ay parang namatayan tapos ngayon? Nakakapagtaka."
Tumawa ako at binati na lang siya ng magandang umaga. Nagpatuloy naman ako sa pagbaba para kumain na.
Nagulat ako nang dumating ako sa school ay nakita ko si Joel sa may gate. Mukhang may hinihintay. Napakunot ang noo ko at agad siyang nilapitan nang nakababa. Agad naman siyang tumingin sa akin nang napansin ang paglapit ko. Ngumiti ako at hindi ko mapigilang humanga sa kaniyang kagwapuhan. He's so handsome today.
Ngumiti din siya pabalik at hinintay akong makalapit pa.
"Goodmorning..." titig na titig siya sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin. He looked so amused. Ipinagtaka ko iyon.
"Sinong hinihintay mo?" tanong ko.
Umangat ang gilid ng kaniyang labi at naglahad ng kamay. Aligaga ko iyong tinanggap. Muntikan nang mahigit ang hininga ko ng bigla niya akong hinigat at niyakap. Lumakas ang pintig ng aking puso sa kaniyang ginawa. Damn it! We're in front of our school! This is public display of affection!
"What are you doing?" kinakabahang tanong ko.
"Stay still. I just missed you..." malambing niyang sinabi. Napapikit ako at tinulak siya ng marahan.
"But we are in front of our school. Ang dami nang nakatingin sa atin!" nahihiya kong sinabi nang mapansin kong natitigilan ang mga estudyante sa pagpasok sa gate.
"Just don't mind them." aniya at binaliwala ang mga nakatingin.
"Joel!"
Tinulak ko siya at kinurot sa tagiliran. Narinig ko ang kaniyang paghalakhak. Kumalas siya agad at pinatakan muna ako ng halik sa noo. Mas lalong uminit ang pisngi ko sa kaniyang ginawa. Loko talaga to! Hindi ba siya nahihiya? Sobrang init na ng pisngi ko.
Hinawakan niya ang aking kamay at pinagsalikop iyon. Bakit ba ako mahihiya? I shouldn't be!
Napalingon ako bahagya sa malayong banda at nakita ko doon ang nakasimangot na si Maureen. Nakakunot noo at masama ang tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. He's mine, girl. So please, back off.
YOU ARE READING
Trapped In The Past (COMPLETED)
Romance"Kahit ano pang gawin mong pang-iiwan sa akin. Babalik at babalik ka pa rin pabalik sa mga braso ko. Remember that, Ariann. Remember that." - Joel Nicolas Salvedia