Chapter 3

34 4 0
                                    

Chapter 3

Akin Ka Lang

"What the hell?!" Inis kong sigaw habang tinitingnan ng masama ang isang first year college na babae. Nakita ko ang bahagya niyang pagtalon dahil sa sigaw ko. Yukong-yuko ito na para bang natatakot akong tingnan. Hah! Dapat lang!

"I-im sorry p-po, Miss Ariann." Nanginginig na sabi nito habang nakayuko.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at humalukipkip habang tinitingnan siyang parang asong takot na takot. Nakakagigil! Pagkapasok ko pa lang sa cafeteria ay isang malamig na softdrink na agad ang unang bumungad sa akin. Basang-basa ang buong uniform ko! Ang kaninang kulay puting tela ay nagmistula nang dirty white dahil sa coke! Bullcrap.

"Pupunasan k-ko nalang p-po-" akmang lalapitan niya ako upang punasan ang aking blouse ng umatras ako. Natigil agad ang kaniyang paghakbang. Takot itong yumuko at ibinaba ang panyo. It's useless, you idiot! Tingin mo ba matatanggal ang mantsa ng panyo mong iyan?!

Inis na inis ako.

"What's going on here?" Nabaling agad ako sa likod ko ng may magsalita.

Nakatayo doon si Joel habang nakatingin sa babaeng halos umiyak na. Kumunot ang noo nito at umambang lalapit. I rolled my eyes heavenward.

"Get out of my sight." Nagtitimpi kong sambit habang nakahalukipkip pa rin. Agad naman itong tumalikod at tumakbo papalayo.

"Anong nangyayari dito?" Ulit ng nasa likod ko. Wala sa sariling inirapan ko siya.

"Wala." Malamig kong sambit at naglakad.

"Teka nga lang." Hinawakan niya ang braso ko pilit na pinaharap. I gritted my teeth because of the familiar feeling I felt when our skin touched. Kinunot ko ang noo ko at nagpatianod nalang sa kaniyang hila.

"What?" I lazily asked.

"Anong-" bumaba ang mata niya sa aking uniform na basang-basa. Kumunot ang noo niya at hinanap ang mga mata ko. Nakita ko ang bahagyang iratasyon sa kaniyang mata.

"Anong nangyari sayo?" He clenched his jaw habang mariin pa ring akong hinawakan sa braso.

"Obviously, someone spilled a freaking coke on my uniform." I said with a hint of sarcasm.

"Ba't hindi ka pa nagbibihis?" Tanong niya na ikinairita ko. Paano ako makakapagbihis e pinipigilan niya ako? Idiot.

"Bitiwan mo na ako." Malamig kong sinabi at binawi ang braso. Agad niya maman iyong binitawan.

Inirapan ko siya at agad nang tumalikod. Naaalala ko nanaman ang nangyari kahapon sa labas ng kinainan namin. Everthing he said to me yesterday were like a music that keeps on playing on my head. Damn that asshole. Napakadali lang para sa kaniyang gawin ito sa akin. Apektadong-apektado ako sa bawat sinabi niya.

The day went fast. Pagkapasok ko pa lamang sa bahay namin ay pagkabasag na agad ng isang salamin ang narinig ko. Agad akong kinabahan at pinanlamigan. Patakbo akong umakyat sa second floor at nadatnan ko doon sila Mommy at Daddy sa harap ng kanilang kwarto, nag-aaway. Domoble ang tibok ng puso ko nang nakita kong umiiyak si Mommy. Patakbo ko siyang dinaluhan ng muntikan na siyang matumba.

"Dad! What's happening? Ba't kayo nag-aaway?" Pasigaw kong tanong dahil sa kabang nararamdaman. This is my first time to see my parents fought. What happened, Daddy? I thought hindi mo paiiyakin si mommy? But look what you did...

"Ariann..." garalgal na tawag sa akin ni mommy. Agad ko siyang binalingan at halos mapaiyak din ako sa kaniyang itsura. My mom looked devastated. Gone the elegance. Gone the sophistication. Ang nakikita ko ngayon ay isang babaeng nanghihina. Babaeng sobrang nasasaktan. Umiling-iling ako.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now