Chapter 37

10 1 0
                                    

Chapter 37

Arrived

Ang planong apat na araw ay naging dalawa na lang. Si mommy ang nag-ayang umalis na kami. Ayaw ko pa sana dahil paniguradong malulungkot ang anak ko pero dahil sa sitwasyon namin ngayon ni Daddy ay pumayag na rin ako.

"Why are we going home, Mama! I thought we're going to stay here long!" kanina pa walang tigil ang anak ko sa pagrereklamo habang nag aayos kami ng mga gamit namin.

"Nico, may gagawin kasing importante si Lola at Lolo mo." sabi ko sa kaniya.

Padabog siyang sumampa sa kama. "And you have no important things to do?" tanong niya.

I shook my head. "Wala-"

"Then we should stay, Mama! I don't have something important to do, too," sagot ng anaak ko na mahina kong ikinatawa.

Lumapit ako sa kaniya at iniwanan ang mga bag. "Listen, mommy will going to talk to your father. Ayaw mo ba nun? Sige, if you don't want it, we can stay here longer-"

"What? No! No! Mama! Let's pack our things now! I want to go home na!" aniya at mabilis pa sa alas kuwatro na umalis siya sa kama at pinuntahan ang bag niya.

I sighed. Kanina ay hindi maganda ang naging usapan namin ni Daddy. It feels like a déjàvu. But my decision is final. I promised to my son that I will let him meet his father and I don't want to take it back anymore. A promise is a promise.

Tumayo ako at ipinagpatuloy na ang pag aayos at ilang sandali pa ay nasa sasakyan na kami. Walang imikan pero dahil sa anak ko ay hindi masyadong tahimik. He keeps on blabbering about random things at si mommy naman ang walang sawang nakikinig sa kaniya. Daddy is silent. His face is dark at mas lalong nadagdag ang pagkastress sa kaniyang itsura. Medyo kinabahan pa ako dahil baka ano ang mangyari sa kaniya. He's old now and I don't want anything bad happen to him.

Mabilis kaming nakarating sa aming mansyon. I was awake the whole time traveling. Tulog lahat ang kasama ko pati si Daddy. Hindi ko naman kailangan na gisingin sila dahil kusa silang nagising nang tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng aming mansyon.

I don't know how to do my first step. Joel is living somewhere nearby. I just need to ask Mavy where he exactly lives. I know Daddy is against my decision pero sinabihan ko na siya na hindi matitibag ang desisyon ko. This is for my son, not for me.

Dumiritso na ako sa kwarto ko. It's 11 in the morning. Gising na si Mavy sa oras na ito kaya kinuha ko ang cellphone ko para matawagan siya.

There was a messages from my friends asking about my day and whereabouts. Iyon na muna ang binigyan ko ng pansin.

Ako:

I'm okay. Just got home from Azure with my family.

Mabilis naman na nagreply si Francis.

Francis:

Oh! You didn't invite me!

Ako:

Sorry. Bawi na lang next time.

Mabilis kong hinanap ang pangalan ng pinsan ko sa dagat ng mga texts at nagtipa agad ako ng mensahe nang mahanap.

Ako:

Hey! You're awake?

Ilang minuto lang ang dumaan at nagreply agad siya. Agad kong pinindot ang call para matawagan siya. Hindi pa nakakatatlong ring ay sinagot na niya agad.

"Hello, couz. What's up?" dinig ko ang pagngisi niya sa kabilang linya.

"Saan nakatira si Joel?" hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now