Chapter 16
Leaving
"Hi, mommy! Kailan kayo nakauwi?" masaya kong bati kay Mommy nang nadatnan ko sila ni Daddy sa living room namin.
Kauuwi ko lang ngayon. And it's already 6:30 in the evening. I was out for almost five hours with Joel. Dinala niya ako sa kanilang bahay. Syempre nagulat na lang ako noong doon niya ako dinala. Bigla niya lang kasi akong hinatak at agad siyang pumara ng trycicle hindi pa ako nakakaangal. Manong saw it. Agad siyang naalarma at akmang lalapitan kami but I stop him. Sinenyasan kong okay lang.
"Saan ba tayo pupunta?" agap kong tanong nang nakalayo na kami sa school.
Bumaling siya sa akin. He looked amused. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sa bahay." simple niyang sagot.
Natigilan ako at namilog ang mga mata ko. What? We're going to his house? To their house? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Anong gagawin namin doon? At bakit niya ako dadalhin doon?
"Huy! Ayoko nga! Ibaba mo ako, Joel!" banta ko at hinampas siya.
If I were just know where is he taking me hindi na sana ako nagpahila pa!
"Bakit ba? Hindi ka naman kakainin doon." he joked but I didn't laugh.
Ngumiwi ako at inirapan siya. "I'm serious, Joel! Bakit mo ako dadalhin doon? Nakakahiya naman sa Mommy at Daddy mo! Baka mapagkamalan akong girlfriend mo!" sabi ko.
He grinned. "Iyon nga ang gusto kong mangyari. At magiging girlfriend rin naman kita eh." aniya. "At hindi Mommy at daddy ang tawag ko sa magulang ko. Hindi ako mayaman tulad niyo." he continued.
Napakurap kurap ako sa kaniyang pinagsasabi. He's impossible! Naiirita na ako!
"Paano mo ako magiging girlfriend eh hindi naman kita sasagutin." irap ko.
He sighed. "Are we talking about this again?"
Inirapan ko siyang muli at nag-iwas ng tingin.
"Mukhang may pinag-aawayan kayo nitong kasintahan mo, Joel!" halakhak ng driver.
Kumunot ang noo ko at inirapan ang driver. He's not my boyfriend, manong!
"Ito kasing ķasintahan ko ay masyadong selosa, Mang nestor." halakhak ni Joel.
Ew! Anong kasintahan ang pinagsasabi mo?
Tumawa si Manong at napailing iling. "Naku! Mahirap iyan pero hindi naman kasi magseselos itong kasintahan mo kung ka hindi tunay na iniirog." I almost throw up. Seriously? The words he's using is nakakapanindig balahibo!
Sobra sobra na ang inis na nararamdaman ko. Talagang hindi titigil sa pang aasar sa akin ah? Kanina pa to! He's really enjoying teasing me. At isa pa tong driver na to. He's so nosy.
"Ha-Ha. Nakakatawa." I fake a laugh at inirapan si Joel.
Pero ang damuho tinawanan lang ako. Napabuntong hininga na lang ako at hindi nalang pinatulan si Joel. Mapapagod lang ako.
Maya-maya pa ay huminto ang trycicle sa isang medyo malaki at gawa sa kahoy na bahay. Lumabas si Joel at naglahad ng pera kay manong. Agad akong lumabas at tinitigan ang bahay sa harapan. Mukhang matagal na itong nakatayo doon. Halatang luma na ang ginamit na kahoy pero mukhang matibay naman iyon.
"Salamat, manong!" rinig kong sabi ni Joel sa likod ko.
"Walang anuman, Joel. Basta ayusin niyo na lang ang pag aalaga sa relasyon niyong dalawa. Sana ay magkatuluyan kayo ng kasintahan mo. Sige, aalis na ako." may pahabol pa si manong driver.
YOU ARE READING
Trapped In The Past (COMPLETED)
Romance"Kahit ano pang gawin mong pang-iiwan sa akin. Babalik at babalik ka pa rin pabalik sa mga braso ko. Remember that, Ariann. Remember that." - Joel Nicolas Salvedia