Chapter 32

16 2 0
                                    

Hi. This chapter is the continuation of the Prologue. Ito na po iyong scene na naglayas si Ariann then pumunta siya sa bahay ni Joel only to find out na may anak na rin si Joel sa iba. Ah basta! Just read the prologue para maintindihan niyo. Thanks.

Chapter 32

Family

My mind is haywired. My head is throbbing in pain. My stomach is not in good condition. And my heart is aching. Kanina ko pa pinupunasan ang walang tigil kong luha habang sakay ako ng eroplano papuntang Maynila. I'm leaving. We're leaving. Akala ko ay ako lang ang aalis pero sumama din si mommy at daddy sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Pero kalaunan ay nalaman ko dahil sa kondisyon ko.

Right. I'm pregnant. I'm pregnant with Joel. At ang ama ng anak ko ay may anak na rin. How cruel, right?

I smiled bitterly. I trusted him. I trusted him with all my heart. Sinuway ko ang magulang ko. Pinaglaban ko siya. Naniwala ako na wala silang relasyon ng Maica na iyon! Pero bakit? Bakit may anak sila? Are they doing it behind my back? They're in a relationship while we're in a relationship too? Wow! Ang kapal ng mukha na pagsabayin kami!

Pinaghalong sakit, poot, galit, hinagpis ang nararamdaman ko. Hindi matigil ang iyak ko kahit na pinapaalalahanan ako ni mommy tungkol sa kondisyon ko. But my senses were all closed. Pakiramdam ko ay may malaking parte sa katawan ko na humiwalay sa akin. I'm alive but deep inside. I'm dead.

Wala akong mukhang maihaharap sa magulang ko. Pagkatapos ng ginawa ko sa kanila, pagkatapos ng masasakit na salita na binitawan ko, nandito pa rin sila sa akin. I feel sorry for myself. I gave all myself to him. At ngayon na dumating ang araw na kinatatakutan ko, ako ang masyadong napuruhan. Ako ang nabasag at nasaktan.

Hindi ko maintindihan. I gave everything to him. My love, my heart, my soul and my fucking virginity! Hindi ko alam na lahat ng iyon nasayang lang.

Galit na galit ako. Hindi ko na alam kung ano ang maari kong magawa ngayong galit ako. Gulong-gulo ang isip ko sa samo't saring masasamang naiisip. Pero sa huli, naiisip ko na may anak pa ako. Mayroon pa ako. At ito lang ang tanging natira sa sa akin. My baby...

Kung sinabi lang niya na may anak na pala siya sa iba, eh hindi na sana ako umasa pa. Maiintindihan ko naman... kung sakali na may iba na siyang mahal... pero ang pangloloko niya ang hindi ko maiintindihan. He cheated on me. Hindi lang ang puso ko ang napuruhan. Pati na rin ang isip at ang aking kaluluwa. He hurted me fucking big time.

"You'll start your life there with my grandchild." si daddy habang naglalakad kami papasok sa aming SUV.

I nodded. Hindi ako nagsalita. I don't have any strength to talk. I'm tired. Physically and emotionally. I just want to rest.

And I need to move on even if it's just one step at a time.

"Stop crying. He's not worth of your tears." mariing sinabi ni daddy nang pumasok ako sa loob.

I sighed. "I'm not crying, Dad." malamig kong sagot.

Tumaas ang kilay ni daddy at bumaba ang tingin sa aking pisngi. "Then what is that?" sabay turo niya sa pisngi ko.

Kumunot ang noo ko at agad na kinapkap ang pisngi. It's wet. Hindi ko alam na umiiyak pala ako. Mahina akong napatawa at pinalis ang luha. Yes, Daddy, I'll not cry anymore.

I know. Padalos dalos ako sa desisyon ko. I didn't let him explain his side. Pero hindi naman kasi siya nag-atubiling magpaliwanag. He didn't run after me. Hinayaan niya lang akong mawala sa kaniya. Hinayaan niya lang akong tumakbo palayo sa kaniya. And it's enough reason for me to conclude things easily.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now