Chapter 2

44 8 0
                                    

Chapter 2

Selos

"Nakalimutan mo itong libro mo sa sasakyan ko." Napatigil agad ako sa akmang pagbubukas ng aking locker room nang may magsalita sa gilid ko.

Boses niya pa lang alam ko na kung sino iyon. A familiar feeling suddenly crept in me. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at liningon ko siya. Naninimbang na mga mata niya ang una kong nakita. Nang hindi nakayanan ay bumaba iyon sa kamay niyang hawak-hawak ang libro ko.

"Oh! Sorry." Sabi ko at inilahad ang kamay para kuhanin sa kaniya ang libro ko. But he just stared at me. Katulad kagabi. Kung paano siya tumitig sa akin. Nakakapaso. Nakakatunaw. Lumunok ako at lihim na napamura.

"A-ah. Yung books ko." Sabi ko sabay nguso sa kaniyang kamay.

Bumuntong hininga siya saka iyon ibinigay sa akin. Akmang kukunin ko na sana iyon nang bigla niyang hinila ang kamay kong nakalahad papalapit sa kaniya at marahan idinampi ang kaniyang kamay sa leeg ko. Uminit ang pisngi ko sa ka iyang ginawa.

"Uminom ka ba ng gamot kagabi? Buti hindi ka nagkalagnat." Nakakunot-noo man ay bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

Natulala ako saglit sa kaniyang mukha bago nakahanap ng isasagot.

"Ah. Yes. Thanks to your jacket hindi ako gaanong nilamig." I said then crossed my arms.

He nodded curtly and his stare remained on me. Marahan niyang sinuri ang mukha ko. At bumaba iyon papunta sa aking labi. Dumagundong nanaman ang traydor kong puso. Hindi sinasadyang pinadaan ko ang aking dila sa aking labi at kinagat iyon. Umawang bahagya ang labi niya saka pumikit ng mariin. Ano nanaman ba?

He opened his eyes and let out a sigh saka ako tinignan sa mata. "Let's have lunch together." Aniya at agad tumalikod. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong makapagsalita!

Kunot-noo ko siyang tinignan hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Okay, okay. I'm confused. Kahapon ay inihatid niya ako sa bahay namin at ngayon naman ay nagyayaya siyang kumain kami together. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. I don't know, really. He's making me so damn confused.

I like him, okay! I won't deny it. But does he like me too?

Napatalon ako nang may biglang humila sa buhok ko. Hindi naman iyon masakit kaya alam kong pabirong hila iyon. Kunot-noo kong binalingan kung sino man ang gumawa nun at ang nakangising asong si Francis ang una kong nakita. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil alam ko kung bakit ganiyan ang reaksiyon niya.

"Ano 'yong narinig ko, huh? Kayo na ulit?" Bungisngis niya.

I grimaced saka ipinagpatuloy ang pag-aayos sa locker ko. "Idiot. Niyaya lang akong maglunch, kami na agad?" Sagot ko. Nagkunwaring naiirita.

"So, totoo nga yung narinig ko? Gooosh!! Kinikilig ako sa inyong dalawa! Muling ibalik na ba itech?" He said in a sing-song voice.

Inirapan ko siya at agad itinago ang kumakawalang ngiti. "Ewan ko sayo, bakla!"

Sa klase ay halos hindi ako mapakali sa upuan ko. Panay din ang tingin ko sa aking relo. Nasa labas ang utak ko habang naglelecture sa harapan ang aming prof. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Excited na kinakabahan. Wait, oh damn, Ariann! Did you just say na excited ka? What the hell? It's just a lunch date! Err. I mean lunch lang. Walang date.

Napatingin ako sa wrist watch ko at higit limang minuto na lang ay maglulunch break na. Para naman akong uod na binudburan ng asin. Ngayon ay halos hindi na ako makapag-isip ng tama. All my ratiomal thoughts flew outside of our classroom. Para akong hihimatayin sa kaba. Pinag-iinitan ako na nilalamig. Gosh. What's happening to you, Ariann? You're not like this.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now