Chapter 12
Attracted
Angelo Cadayona keeps on texting me and saying sorry for a couple of times now. Naiirita na talaga ako. I know I'm at fault too because I used him to annoy Joel but nakakairita na kasi siya. My cousin, Mavy also texted me na may nangyari daw na away sa pagitan ni Joel at ni Angelo. Nagkasagutan daw at napunta sa away. Napailing nalang ako habang binabasa iyon.
Ako pa ata ang makakasira sa pagkakaibigan nila.
Mavy:
Mabenta ka talaga sa mga lalaki, cous. Hindi nagpapansinan ngayon si Joel at Angelo. Hala ka!
Napairap ako at nagtipa ng reply.
Ako:
It's not my fault kung bakit maganda ako.
Pagkatapos kung isend iyon ay itinago ko na ang cellphone ko.
"Let's go, Ariann!" ani ng bago kong kaibigan.
I nodded at naglakad na papalapit sa kaniya. "Start na daw ba?" tanong ko.
Nagkibit balikat siya at nagsimulang maglagay ng tint sa kaniyang labi. Kumunot ang noo ko habang sinusuri ang kaniyang tint. Kinuha ko iyon sa kaniya at tinitigan.
"Hey. Gumagamit pa ako!" iritadong sinabi ni Maureen.
Inirapan ko siya at ibinalik na sa kaniya ang kaniyang tint.
"Saan mo iyan nabili? Iyong akin kasi binili ni mommy sa ibang bansa." mayabang kong sinabi.
Ngumiti sa akin si Maureen at nagtaas ng kilay. "Patingin nga..."
Ilalabas ko na sana ang pinagyayabang kong tint pero lumapit si Teacher Cruz sa amin at sinipat kaming dalawa.
"Ladies, the seminar is about to start. Pumunta na kayo sa Gym." ani ng teacher.
Tumango ako at tumayo na. Tumayo na din si Maureen at sabay kaming naglakad papuntang Gym. May seminar kasi ngayon at kailangan daw naming umattend.
"Let's just go somewhere else..." sabi ko habang hinahawi ang buhok.
"No, no, no. Gwapo daw iyong isang speaker." Maureen giggle.
Napairap ako. "Sino daw ba?"
"The first year college student, Joel Salvedia!" nangingiting sagot niya.
Natigilan ako. Kumunot ang noo ko at nilingon si Maureen na busy sa kaniyang cellphone. "Who?"
"Joel Salvedia. He's so gwapo..."
Oh. So he's one of the speaker, huh? I smirked.
"Okay. Tara na..." sabi ko at nauna nang maglakad.
"Huh? Saan?"
"Sa Gym!" sabi ko at ngumiti.
Kumunot ang noo ni Maureen. "I thought you don't want to attend the seminar?"
"I've change my mind." I said.
Papasok sa Gym ay nakasabay pa namin iyong mga ex friends ko. Nakita ko pang gimamit na ni Taylor iyong bigay kong bag. Natawa ako at umirap. Kitang-kita ko ang inis sa akin ni Therese at Danica sa ginawa kong pag-irap. Si Taylor naman ay nakayuko at hindi ako matingnan.
"So, you've got a new friend, huh?" Therese mock.
I smirked. "I told you, I have a lot of friends waiting. What do you expect me to do? Sulk because you guys are not my friends anymore? You wish." I flipped my hair and looked at them with insult at pumasok na sa loob.
YOU ARE READING
Trapped In The Past (COMPLETED)
Romance"Kahit ano pang gawin mong pang-iiwan sa akin. Babalik at babalik ka pa rin pabalik sa mga braso ko. Remember that, Ariann. Remember that." - Joel Nicolas Salvedia