Chapter 38

13 1 0
                                    

Chapter 38

In Love

"Good evening..." he said in low baritone.

Tipid akong ngumiti. Hindi ako makatingin sa kaniya. Tanging ang mga pagkain lang ang tinitingnan ko sa aking harapan. I can't look at him straight in the eyes. He's so intimidating and I hate it that I'm intimidated with those deep set eyes.

Hinanap ko ang boses ko para makapagsalita pero parang may bumara sa lalamunan ko. Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang mga daliri ko. Tumikhim ako at inayos ang buhok bago siya tinapunan ng tingin. I saw him looking lazily to me. Like I'm just a nobody and I'm not deserve to be look at. Tinaasan ko siya ng kilay at nagsimula na sa aking pakay.

"Well, may I know why you invited me over dinner? I believe there's a reason-"

"I just want to invite you. That's all. Do you have a problem with that?" he said arrogantly.

I puffed in annoyance. Hindi pa nga ako nag iisang oras dito ay nag-iinit na ang ulo ko sa lalaking ito. I can't believe I'm talking to the new Joel. Hindi lang mukha at pangangatawan ang nag-iba sa kaniya. Even his attitude have changed.

Hindi na ako ako nagsalita pa. Inirapan ko siya at naghalukipkip. I saw him smirking evilly. He like seeing me annoyed. Mukha siyang enjoy na enjoy habang pinapanood ako. Umikot ang mata ko.

"Anyway, let's eat. I'm starving." malamig kong sinabi.

His smirk didn't disappear. Sinubukan kong hindi siya tingan dahil naiinis ako pero trinatraydor naman ako ng mata ko. Nang hindi ko nakayanan ay padabog kong ibinaba ang kutsara at matalim siyang sinulyapan.

"Stop smirking! You look stupid!" iritado kong sinabi.

He laughed, "Really? Am I, baby? I look stupid?" malambing niyang sinabi.

Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. Baby. He just called me baby. Damn...

Tumikhim ako at hindi na lang siya pinansin. Nagsimula na akong kumain pero hindi niya pa rin ginagalaw ang kaniya. Nakatitig lang siya sa akin habang nakalagay ang kaniyang index finger sa kaniyang labi. Kumunot ang noo ko at sinulyapan siyang muli. I glared at him but he just raised his brows innocently.

"Stop staring, Mister." sabi ko.

"Why? Nacoconscous ka ba?" he asked.

Dammit. He knows it! Alam niyang ayaw kong pinapanood ako kapag kumakain. Parang may humampas sa aking puso. Umiling na lang ako at tahimik na kumain. Di nagtagal ay ginalaw na din niya ang kaniyang pagkain kaya naging tahimik kami.

Awkward. It's so freaking awkward. I can almost hear some crickets because of the silence. Tanging mga kobyertos lang namin ang maririnig sa buong silid. Sinulyapan ko siya pero hindi ako nagpahalata. Nang makita kong titingin din siya sa akin kaya iniwas ko na agad ang mata ko. He almost caught me staring at him. Napakurap kurap ako at inulit nanaman ang ginawa. Dahan dahan akong sumulyap sa kaniya at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Namilog ang mata ko at mabilis na nag-iwas ng tingin. Hiyang hiya ako at pakiramdam ko ay aatakehin ako sa puso.

"What is it?" biglang sabi niya.

"H-huh?" agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya dahil sa gulat.

Napanguso siya. "Is there a problem? You keep on staring at me-"

"Wow! Kapal nito! H-hindi ah!" namumula kong sinabi.

He growled a laugh. Umugong ang kaniyang malakas na tawa sa buong silid. Nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ko ang kaniyang tawa. It's been years simula noong huli kong narinig ang tawang iyon. Very manly and it's feels so good in my ears. Kinagat ko ang labi ko at napabuntong hininga na lang.

Trapped In The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now