Chapter 61: The Comeback

238 16 0
                                    

Celine POV

"Congratulations to our Graduates of Batch 2018-2019! We are all proud of you!"

Sa wakas at nakapagtapos na rin ako.

"Congratulations anak," bati sa akin nila mom and dad.

Kahit pa tinago nila mom ang totoo sa akin magulang ko pa rin sila. Siguro ginawa lang nila iyon dahil sa tingin nila iyon ang tama.

"Congrats Hannah Celine," bati naman ni Kaye kasama si Em.

Nalaman kong matagal na silang nakapagtapos. Sila Jayden, Em, at Kaye. Sinabayan lang nila ako ng dahil sa kagustuhan ng Daddy ni Mister.

Naaalala ko nanaman siya. Hindi na nga siya siguro babalik.

"Bubwit..." napalingon ako kay maw.

I smiled. Sa kabila ng mga nangyari ginusto kong manatili kaming magkakaibigan. Gusto ulit silang mabuo.

"Graduate ka na talaga!" ginulo niya ang buhok ko.

Pinigilan ko siya. Not because I don't want him to do it but because it only reminds me of Mister.

Sabay kaming pumunta ng bahay. Parang wala lang nangyari. Bumalik lang ang lahat sa dati.

Ang pinagkaiba lang naaalala ko na ang nakaraan ko.

"Aalis ka?" pagtatanong ni Kaye nang makita niya akong nag aayos sa kwarto.

"May pupuntahan lang," ayokong mag-alala siya sa akin.

"Iniisip mo pa rin ba si Renz?" hindi ako sumagot sa tanong niya dahil alam kong alam niya na rin naman ang sagot.

Pumunta ako ng Laguna. Mula ng makaalala ako hindi ko pinabayaan ang bahay na 'to. Dahil umaasa akong dito ulit kami magkikita ni Mister. Na babalikan niya ako.

Kinuha ko ang picture niya malapit sa TV bago umupo sa sofa.

Namimiss ko na talaga siya. Pero maghihintay pa rin ako. Alam ko darating din ang araw na babalik siya at magkikita din kami.

Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Miss na miss na talaga kita.

I want to see you.

Kaye POV

"Hello po?" bakit naman kaya tumawag ang mommy ni Celine?

"Nandyan ba si Celine?"

"Wala po. Ano po bang nangyari?" hindi kaya?

"Nawawala siya Kaye. Hindi ko alam kung saan siya pumunta," may halong pag-aalala sa boses ni tita.

"I'll try to contact her Tita."

Pagkatapos ng tawag ay kinontak ko sina Em at Jayden. Baka may alam sila kung nasaan si Celine.

Saan ba kasi siya pumunta? Graduation pa naman niya. Ilang sandali lang ay nakatanggap ako ng text mula kay Jayden

From: Riego
Airport.

Napapikit ako sa inis. Humanda talaga sa akin ang.babaeng yon. Nagpasundo ako kay Em at pumunta kami sa airport.

I saw her sitting next to Jayden. Hawak niya ang maleta niya. Agad akong lumapit kay Celine.

"Are you really going this far Celine?" hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Renz left her. Saksi ako sa pag-alis ni Renz. Akala ko tanggap na ni Celine pero mukhang hindi. She still want to go to Renz.

"Charence will be here," napatingin ako kay Jayden. "So don't leave Celine."

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon