Chapter 118: The Piko and Bali

71 5 0
                                    

Celine POV

Nagising ako nang wala na si Galvan sa tabi ko. Panaginip lang ba 'yon? Agad naman akong bumaba.

"Galvan!"

Nagulat ako ng may humalik sa pisngi ko mula sa likod.

"Good morning wife. I cooked for you. Bumili lang ako sa labas ng juice kasi wala ka nang juice dyan sa ref," sabi niya habang kumukuha ng pitsel at nagtimpla ng juice.

"Ah... K-kaya pala. Sige akyat muna k-ko. K-kakagising ko lang kasi," nahihiyang sabi ko.

Nakita ko naman ang pagngiti niya. Totoo ba talaga 'to? Totoo bang nasa harap ko siya?

"I don't mind," sagot naman niya.

"Sira! Sige na. Maghihilamos lang ako tsaka magtotoothbrush. Wait for me," sabi ko bago bumalik ng kwarto.

Kinuha ko ang mga letters sa loob ng bulsa ko. Para akong tangang nakatingin doon. Hindi ko mapigilang basahin ulit.

You are imperfectly perfect made for me.

You are my brightest star in the darkest night.

You are my one in a million.

You are the key to my life.

You are the my past, my present, my future.

You are my Queen, ever beautiful Queen.

You are my one and only love.

You are my beginning and end.

Haaaays! Nakakainis namang Galvan 'yon. Ang tamis ng mga salita. Binilisan ko ang kilos at agad na bumaba.

"Rish I'm sorry. I'll talk to Dad. I'll find some way for the team," rinig kong sabi ni Galvan sa kausap sa phone.

Nang makita niya ako agad niya rin namang binaba ang tawag. Umupo ako sa tapat niya at tumingi  sa kanya. May problema ba sila sa hospital?

"Kumain na tayo," sabi niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

"May problema ba sa hospital?" hindi ko maiwasang hindi siya tanungin.

"Don't worry. Kain ka na," hindi niya nasagot ang tanong ko.

"Galvan naman. Paanong hindi ako magwoworry? Dahil ba sa pag-uwi mo?"

Ayokong maging dahilan kung bakit siya magkakaproblema. Umalis ba siya ng walang paalam?

"I and my team are out," kalmadong sagot niya.

Out? Wala na sila sa hospital?

"B-bakit?"

Sana naman hindi ako ang dahilan. Ayokong mafail si Galvan ng dahil sa akin.

"Wag ka na mag-alala. Tsaka marami pa namang ibang opportunities," nakangiti pang sagot niya.

Tama nga ako. Wala na nga sila sa hospital. At mukhang dahil sa akin nga. Makailang beses siyang nag-absent at siguro 'yon ang dahilan bakit sila napaalis.

"But still sayang," nalulungkot na turan ko.

"Hayaan mo na. Mahirap naman doon. Kailangan mag-english," natatawang sabi niya.

Hindi ko alam bakit naiinis ako sa sinasabi niya. Bakit parang wala lang sa kanyang nawalan siya ng trabaho?

"Alin ang nakakatawa roon?" may bahid ng inis na tanong ko.

"Yong kailangan talagang mag-english," pilosopong sagot niya.

Tiningnan ko siya ng masama. Natigil siya sa tawa pero hindi naalis ang ngiti niya.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon