Celine POV
"How about playing 'drink or tell'?" suggestion ni Kaye.
"Drink or tell?" sabay naming tanong.
Ano na naman kaya naisip ng bestfriend kong 'to? 'Pag siya nga kasi ang nakaisip kakabahan ka talaga. Sana naman maayos na laro ang sinabi niya.
"Babe pakikuha ng hard drinks tsaka 'yong bowl sa kabilang table. All in tayo ha. Kasali rin kayo Vaughn tsaka France," talagang prepared siya.
Kakapangako ko lang sa sarili kong hindi ako iinum. Paano na lang kung ano na naman ang magawa ko? Pangiti pa naman 'tong lalaki sa tabi ko. Panigurado kung anu-ano na naman ang naiisip nito.
"So ganito 'yon. Parang truth or dare lang 'to. We will spin the bottle at kung kanino matutok ang bote she or he have to choose between drink or tell. If drink isang shot 'pag tell kukuha siya ng questions dito sa bowl. Got it?" napatango naman sila.
Ako lang ata ang hindi okay sa ganito. Kahit si Vaughn at France mukhang interesado sa larong naisip ng bruhang Kaye na 'to. She even smiled evilly to me. Ako talaga pinupuntirya ng babaitang 'to! Bakit ba Lord ang sama sa 'kin ng bestfriend ko? Tsaka nitong sa tabi ko?
"Game na ha?"
Pinaikot ni Kaye ang bote. Naka crossed fingers naman ako't tahimik na nagdadasal na sana hindi sa akin tumigil ang bote. Pero malas nga siguro ako at ako talaga ang hinintuan ng bote. Sobrang swerte ko naman talaga!
"Sayo agad Hannah Celine o! Pili na Aling Kleng," may halong pang-aasar na pahayag ni Kaye.
"Tell," sabi ko sabay bunot sa bowl.
Inopen ko ang nakaroll na papel. Sobrang effort ni Kaye ha! Talagang plinano niya 'to.
~What was the most intimate moment did you have with your partner?~
Nanlaki ang mata ko sa nabasa kong tanong. Bakit ganito ang tanong?
"Anong nakuha mong tanong?" inagaw sa akin ni Kaye ang papel. "What was the most intimate moment did you have with your partner?"
"Very relevant question," pang-aasar ni Galvan. "Sagutin mo na."
Napabuntung-hininga ako bago sumagot. "Neck kissing."
Humagalpak sila ng tawa. Pinagtitripan talaga nila ako. Nakakainis!
"With who?" panunudyo ni Kristell.
"Hayst! W-with Galvan," napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan.
"Ikaw pala ang legendary mosquito kung ganoon," hindi ko inaasahang pati si Vaughn sasabay sa pang-aasar.
"Next na!" inis kong pinaikot ang bote.
Sunod na tumigil naman ang bote kay Jayden. Nice one!
"Drink," napaawang ang bibig ko nang ininom niya talaga ang alak. Nakangisi pa siyang tumingin sa akin. "What? Ganoon ang game right? 'Di ba Kaye?"
"Oo naman," pagsang-ayon pa ni Kaye. Pinagkakaisahan nga talaga nila ako.
Muling pinaikot ni Jayden ang bote. Tumigil ulit ang bote sa akin.
As in sa akin ULIT!!!
"Bakit sa akin na naman tumigil 'to? Drink na lang," akmang kukunin ko ang baso ng inunahan ako ni Galvan.
"Just get a question and answer. You're not allowed to drink," sabi niya.
"At bakit naman bawal?" kunot-noong tanong ko.
"Because I am the one who'll suffer if you'll get drunk," pinitik niya pa ang noo ko. "Based on my experience."
"Ayieeeeee," panunukso nila sa amin.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomansaLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.