Celine POV
Pagkaalis ni France sinundan naman siya ni Jayden. Pareho pa silang may dalang bulaklak. Binili ni Jayden ang sinabi ni France na Forget-me-not. Si France naman bumili ng roses. Kaya ako parang timang na nakabuntot din sa kanilang dalawa.
"Are you really mad at me?" tanong ni Jayden nang magkasabay na silang maglakad.
"Ano ba sa tingin mo? Tuwang tuwa ako sa sinabi mong masasakit sa akin?" puno ng inis na sagot naman ni France.
"That's why I'm sorry. Kaya nga ako humihingi sayo ng tawad 'di ba?" malumanay na saad ni Jayden.
Biglang tumigil si France at humarap kay Jayden.
"Sorry? Do you think I won't be hurt anymore if you will say sorry?" dismayadong tanong ni France.
"I'm at fault. Kaya nga nagsosorry ako 'di ba?"
Problema kay Jayden ayaw niyang patalo. Ayaw magpakumbaba. Hay ano ba naman sila. Akala ko pa naman magiging okay na lahat.
"Going out with an ex Piko?" napalunok ako ng biglang marinig ko ang boses ni Galvan sa tabi ko.
"G-galvan? B-bakit ka n-nandito?"
"Overall, about 1% of the world’s population stutters. May kaibigan akong speech therapist should I bring you to her?" nakataas pa talaga ang isa niyang kilay.
Pinitik ko ang noo niya tulad ng ginagawa niya sa akin lagi.
"Wag kang OA. At ano ang sinasabi mong speech therapist? Baliw ka talaga. I was just surprise na nandito ka," sabi ko sa kanya saka lumapit kay Jayden at France.
"Tama niyo na 'yan. He is really sincere France," I need to back up Jayden.
Kailangan kong maayos ang lovelife niya. Hahaha. Kawawa naman siya kung sira lovelife niya.
"Kayo ba ni France? Noon ko pa kayo napapansin," biglang tanong naman ni Galvan.
Inakbayan niya pa talaga si France. Hindi ko alam kung sinong iniinis niya sa amin ni Jayden. Inalis naman ni Jayden ang braso niyang nakaakbay kay France.
"Yes. Kami nga. So don't come close to my girl," sabi pa ni Jayden kay Galvan.
Tumawa naman ng malakas si Galvan. Baliw nga talaga. Minsan naiisip ko na talagang ipasok siya sa mental. Akala ko manggagamot siya pero parang siya pa 'tong kailangan gamutin.
"Sure. No prob with me," dagdag pa ni Galvan.
"Nagsex lang tayo pero hindi tayo," nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni France kay Jayden.
She's so fierce talaga. Sinasabi niya kung anong gusto niyang sabihin. Hindi ko naman inasahan na tatampalin ni Jayden ang bibig ni France.
"Bunganga mo. Dami mong sinasabi," siya naman ang umakbay kay France at naglakad papuntang resto.
"Bitaw nga!" sinubukan naman alisin ni France ang braso niya.
Sobrang cute nila tingnan. Para silang couple. Ang sweet nang ganoon.
"Are you jealous?" nawala naman ang ngiti ko sa sinabi ni Galvan.
"Jealous mo mukha mo. Tara na nga. Maiiwan na nila tayo," sumunod naman kami ni Galvan sa dalawa.
Magkatabi sila ni Jayden at France. Magkatabi naman kami ni Galvan. Pero umalis muna siya para mag-order.
"Kanino mo ba bibigay ang flowers na 'yan? Sasamahan na lang kita," mungkahi ni Jayden kay France.
"Wag na," maikling sagot ni France.
"Kahit ihatid ayaw mo?"
"Ayoko."
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomanceLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.