Chapter 93: The Ischyrós

118 8 0
                                    

Kristell POV

"Yes. May... May sasabihin kasi ako sayo," humugot ako ng lakas ng loob.

Sana Kristell masabi mo talaga.

"What is it?"

"I t-think... I think I'm ready to love you."

Biglang tumawa si Vaughn. Hindi ko tuloy alam kung aalis ako o hindi. Bakit ba kasi tinatawanan niya ako? Nagulat na lang ako ng halikan niya ako.

"So are we on now Hailey?" nakangiti pa niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Bakit ang advance naman niya?

"S-sabi k-ko lang-"

"I courted you many times already. Ano pa bang panliligaw ang gagawin ko? Relasyon ang patagalin natin Haileybaby," inakbayan niya pa ako palabas ng Studio.

Relasyon?

Is he for real?!

"R-relasyon?!"

Humarap ulit siya sa akin at ipinulupot ang mga braso niya sa bewang ko. Mas lalo niya pa akong inilapit sa kanya. Ang dami pa namang taong nakatingin.

"Yes my baby. There's us and you already have no way out. Once you're mine, you are mine forever," saka hinalikan ulit ako bago binitawan at naunang maglakad palayo.

Tama ba 'tong ginawa ko? I just want to confess but I end up as his girlfriend.

Mababaliw na talaga ako!

"Let's go now. We'll have our first date Haileybaby,"  sabi niya kaya sumunod naman ako agad.

Bahala na.

Nangyari na e.

Nasabi ko na sa kanya at kami na.

France POV

I dragged him out.

"Nababaliw ka na ba talaga? May sira na ba talaga 'yang utak mo?!" sigaw ko kay Jayden Chan.

Naiinis na talaga ako sa ginagawa niya.

"Yes, baliw na nga siguro ako para magustuhan kita," sagot naman niya habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.

"Hah! Biruin mo na ang lahat Chan pero 'wag ako. You can joke about anything but not love," naiinis kong sabi sa kanya.

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako? Hindi ko 'rin gusto ang nararamdam ko na 'to. Lalo na sayo," naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Pigilan mo 'yan. Tigilan mo!"

"Kakasimula pa lang nga France titigilan ko na agad?" hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Mas mabuti ngang bago pa lumago pinapatay mo na. Stop bothering me now. Please lang talaga," bumalik ulit ako sa loob ng resto.

Sana lang nga tigilan niya na ako.

Celine POV

"Nasaan ba talaga sila Mika at Tito Mikael? Kanina pag-alis natin wala sila. Ngayon pagbalik natin wala pa rin sila," sabi ko kay Galvan ng makarating na kami ng bahay.

"Bakit parang mas gusto mo pa atang nandito sila? Are you enjoying having me as your kuya?" lumayo ako ng konti sa kanya.

"Hindi a! N-nagtataka lang talaga a-ako," panira talagang lalaking 'to.

"Hindi sila uuwi ngayon. Doon sila sa bahay ni Chairman Lee tutuloy," so kaming dalawa lang talaga ang naririto ngayon?

"Doon nakatira ang mommy mo," alam ko dahil nakastay tin ako roon.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon