Chapter 132: The Truth Revealed

61 4 0
                                    

Jayden POV

Why would Vaughn even do that? Bakit naman niya naisipang gawin 'yon?

Mabilis kong kinuha ulit ang bookshelf. Pero sa sobrang pagmamadali ko ay nabitawan ko.

Kaasar.

Ano nga ba ulit ang pagkasunod sunod nito? Hays. Bahala na. Nilapag ko na lang lahat sa kama at inisa isa.

Alphabetical ba?

Pero dalawa ang 'H'. Ano nga ba ulit ang nauna kanina? Ah. This one. Then ito. Sana lang ito talaga ang pagkasunid sunod. Baka hindi na talaga kami magkaayos ni France. Tapos itong 'She's not me'.

Ilalagay ko na sana sa shelf ang mga lbro nang mapansin ko ang pagkasunod sunod ng mga letra.

H..

A..

N..

N..

A..

H..

K..

R..

I..

S..

T..

E..

N..

"Hannah Kristen?"

Napalunok ako. Bakit ganito ang mga letrang bulagay niya sa libro? May kinalaman ba talaga si France sa nangyari kay Kristen? Ang iba pang mga libro!
Inayos ko ang natitirang mga libro ayon sa apelyedo ni Kristen.

We can't be Friends by Cyndy Etler

The Best Revenge by Stephen Whie

Justice must Prevail by Victor Dewey

A Kiss in the Night by Jennifer Horsman

Ruined by Amy Tintera

The Plan by Lyn-Genet Recitas

I Like You I Love You by Carissa Potter

Jayden by Catherine Lieven

Hindi nga talaga ako nagkamali. Hindi 'yourdamn' ang pagkakaayos.

Raymundo.

Kung ganoon...

Hannah Kristen Raymundo.

Bakit naman nilagyan ni France ng ganito ang mga libro niya? Talaga bang may kinalaman siya sa pagkamatay ni Kristen?

Sandali...

Muli kong binasa ang mga title ng libro. Bigla akong nanlamig. Hindi ako makaisip ng matino. Isa itong mensahe. Mensage mula kay Kristen.

Ang pagtawag niya sa akin ng Chan...

Ang pagiging malapit niya kay Kristell...

Ang mga litrato ng Spades sa kanya...

Ang mga bulaklak sa libingan ni Kristen...

“I don’t eat carrots.”

“N-natatakot ako.”

“I’ll protect you.”

"First, hindi imagination ang ganda ko. Second, krim stix yon hindi Stick O.”

“Krimstix nga kasi ‘yon hindi stick O”

“Hindi ako allergic sa peanuts. Sa seafood ako allergic.”

Nagkataon lang ba lahat ng ‘yon? Jayden Chan ano ba! Bakit mo naman naisip ‘yon. Sobrang impossible. Umayos ka! Ibalik mo  na lang ‘yan at pumunta kay Kristell. She needs you now.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon