* * * * * F L A S H B A C K * * * * *
Third Person POV
Hindi maikakailang makapangyarihan ang pamilya ni Raphael Galvan. Kaya nga't pati ang kanyang anak na sila Mikael at Jibreel ay lumaki rin sa karangyaan. Parehong mabait ang dalawang Galvan. Kaya nga maraming humahanga sa kanila sa kanilang eskwelahan lalo na't pagmamay-ari rin nila ang unibersidad.
"Bilib din naman ako sa inyo Mikael. Nagagawa niyo pa rin makihalubilo sa iba kahit na hindi niyo naman kailangan," sabi naman ng kaibigan nilang si Joaquin.
"Ikaw talaga Loriega. Masyadong mahalaga sayo ang estado sa buhay," natatawang sabi naman ni Mikael.
"Sa tingin ko alam ko na ang dahilan ng pagiging ganyan ni Mikael," sinundan naman nila ang tingin ni Kristoffer.
Nakatingin ito kay Angela. Kaklase nila Jibreel mula noong elementarya pa lang. Noon pa man may pagtingin na si Mikael kay Angela ngunit mukhang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya.
"Ang sabihin niyo masyado lang torpe itong si Mikael. Kaya nga pati itong si Jibreel natotorpe na rin kay Dennica," natatawang saad ni Kingsley.
"Bakit ko pa popormahan?"
Naguguluhan naman ang magkabarkada sa tanong ni Mikael.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Joaquin. "Kayo na?"
"Kaya naman pala mula pa kanina ang ngiti mo Mikael," dagdag ni Kristoffer.
"Hoy bumalik na nga kayo sa mga kwarto niyo. Magsisimula na ang klase," paninita ni Kate.
"Ito talagang nobya mo King panira lagi. Buti natagalan mo pa," pang-aalaska ni Joaquin.
"Kaya hindi kayo nagtagal ni Jaicka," balik na pang-aasar ni Kate.
"Grabe ka talaga Kate," umasta pa itong nasaktan sa sinabi ni Kate.
Naging matatag ang pagkakaibigan nila lalo pa noong nasa kolehiyo na sila. Nagkawatak watak man nanatiling solido pa rin.
"I'm Annah Sedavia. Hope we can all be friends," pakilala ng isang estudyante sa klase.
Bagong lipat lang noon si Annah at pamilya niya. Nanuluyan siya at ang pamilya niya sa mga Galvan. Ito ay dahil matagal nang magkaibigan si Raphael at ang mga magulang niya. Napalapit si Annah kina Jibreel at Mikael kung kaya't naging malapit din ito kila Joaquin, Kingsley, at Kristoffer.
Pero mas napalapit si Annah kay Kristoffer. Magkasama sila lagi. Tuwing wala silang klase nagkakakwentuhan sila. Naging matalik silang magkaibigan. Lahat ng hinaing ni Annah tungkol sa pamilya niya kay Kristoffer niya iyon sinasabi. Ganoon din naman si Kristoffer kay Annah. Naging malapit sila hanggang sa mahulog na nga ang loob si Kristoffer kay Annah.
"Nahihibang ka na ba Kris? Paano si Yelia? Akala ko ba may relasyon na kayong dalawa?" pangangaral ni Dennica kay Kristoffer nang magtapat itong may nararamdaman siya para kay Annah.
"Makikipaghiwalay ako sa kanya," matiim na sagot sagot ni Kris.
"Matalik na kaibigan ni Angela si Yelia. Paano kung pati sila ni Mikael maaapektuhan?" nangangambang hinaing ni Dennica.
"Den alam ko kung anong nararamdaman ko kay Annah. Ayokong mas lalo pang saktan si Yelia. At alam ko maiintindihan naman nila ang desisyon ko," wala namang nagawa si Dennica sa desisyon ni Kristoffer.
"May gusto ka kay Annah?" hindi naman nila inaasahan ang pagdating ni Mikael.
"Mikael," sambit ni Kris sa pangalan nito.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomanceLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.