Celine POV
Nagsimula na kaming kumain. Si Kaye tinutukso pa rin ako ng tingin. Ang iba naman pasimpleng ngiti. Kasalanan 'to ni Galvan! Kung 'di na sana siya nagsalita edi sana hindi sila ganito sa akin ngayon. Hiyang hiya talaga ako. Kung pwede lang ibalik ang gabing 'yon. Talagang hindi ko gagawin 'yon. Okay sana kung naalala ko ang buong nangyari... I mean...Hayst! Ano ba Celine? Nagiging adik ka na rin sa mga halik halik na 'yan? Kaya lumelevel ganap sa inyo ng mister mo e.
"Ang laki pala talaga ng bahay niyo rito," sabi ni Em kina Galvan at Mika.
"Dito naman talaga sana kami at hindi sa Pilipinas. But I insisted," sagot ni Galvan at napatingin sa akin.
"I'm really curious about Chairman Lee. Hindi niyo siya kaano-ano but she managed to get the higher position than your father," natigil kami sa pagkain sa sinabi ni Vaughn. "What?"
"Chairman Lee is my Lolo's personal nurse. Lolo trusted her a lot. Wala namang problema kay Daddy ang tungkol sa pagiging Chairman," seryosong sagot ni Galvan. "By the way, how did you know about this?"
What's up with them? Bakit ang seryoso nila? Tama nga naman si Galvan. Paano naman nalaman ni Vaughn 'yon? Kami nga akala namin si Tito Mikael ang Chairman. Ala France din itong si Vaughn. Pareho silang nakakapanghinala. Sobrang close pa nila. Pero maiba nga. Personal nurse pala si Madam Star? But how did she end up being fortune teller that day? She's my mom's boss kaya ba niya ako tinulungan? At saka bakit binigay niya sa akin ang pendullum?
"Why don't you ask France?" nakangiting tanong ni Vaughn.
France?
Napatingin ako sa gawi ni France. She's eating normally. She's calm and composed. Para bang may sarili siyang mundo. She didn't even took a glace at Jayden beside her. Mukhang wala siyang kaalam-alam sa pinag-uusapan nila Vaughn at Galvan.
"Can we just eat without talking about that?" pakiusap ni Kaye.
Bigla nga naman nagbago ang ihip ng hangin ng pag-usapan nila ang tungkol kay Chairman Lee aka Madam Star. Paano na lang kung multuhin kami?
"Kaya nga! Ang seryoso niyo," masayang dagdag ko naman.
"So anong gusto mong pag-usapan natin?" baling sa akin ni Galvan.
"B-bakit ako?" naiilang ako sa kanya.
"You are my wife here so you're the one I want to talk to," naiilang pa rin akong ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Tamis naman. Sige na kayo na," panunukso ni Kristell.
Nagkaasaran kami sa buong kainan. Talagang hindi nila ako tinigilan. Hanggang sa matapos kaming kumain. At para makaiwas sa panunukso nila si France ang nakasama kong maghugas ng pinggan. Sila naman nagkayayaan magswimming. Ang cute nilang tingnan.
"Bakit hindi ka na lang bumalik doon?" seryosong tanong ni France.
"Nakakahiya naman sayo. Tsaka ikaw nga ang dapat naroon," nakangiting sagot ko pero hindi niya man lang ako tinignan.
Tahimik lang siyang nagpatuloy sa paghuhugas. I don't really get her. Minsan ang bait niya. Kaya nga naging kaibigan siya ni Galvan. Minsan nga lang nakakapagduda ng mga kilos niya. Ang tahimik niya palagi. Hindi rin siya nakikipagclose sa amin. Kahit sa akin. Minsan naiisip ko may multiple personality disorder ata siya.
"Ang saya nila 'no? Alam mo ba na ngayon lang ulit kami nakapagbonding. Ngayon lang kami nabuo ulit. Actually silang lima ni Galvan, Em, Mika, Kristell at Jayden ang makagrupo. Nadagdag lang kami."
"Bakit?"
"Kasi noong-"
"Bakit mo ikinukwento sa akin? Yes I helped you before. But that doesn't mean we are close now," sabi niya bago nagpunas ng kamay. "Mauna na ako."
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomanceLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.