Thiis Chapter is dedicated to Eloisa Belnas😊 My first reader/fan😍 Kung hindi talaga siya nagpm at nagtanong kung tatapusin ko ba ang MK siguro hindi 'to nakaabot dito. THANK YOU ELOY😍 ILOVEYOU❤
-BbyFrance POV
Maaga pa akong nagising at pumunta sa secret room. Kailangan kong mahanap si Celine.
"GMH?"
Sa hospital ang huling lugar na nakalagay sa gps. Si Mikael Galvan kaya ang kumuha sa kanya?
Pero bakit sa akin hinanap ni Jayden si Celine?
Hindi kaya pumunta si Celine dito?
Nagmadali akong bumalik sa kwarto. Sira nga pala ang pinto ng banyo. Kumuha ko ng maisusuot ko bago bumaba. Sa guest room na lang ako naligo at nag-ayos.
Kailangan kong puntahan si Galvan. Maaga pa akong umalis para lang hindi masundan ni Jayden Chan. Nabibwisit na talaga ako sa lalaking 'yon.
Tinawagan ko si Vaughn.
"Yes my dearest France?" sobrang saya naman ata ng lalaking 'to.
"Where are you?"
"Just in the place where you are," bumalik din pala siya rito. "But not because of you. I just have to attend an important boring event."
"Wala naman akong sinabing dahil sa akin. Can you track me?" hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako.
"Why would I do that lady?"
"I have to find Celine. I need your car. And your help," agad kong tinapos ang tawag.
"France!"
Ngumiti ako kay Angelo.
"What are doing here?" tanong niya sa akin habang pinapapasok.
Napansin kong kulang siya sa tulog.
"Ayos ka lang ba?" pag-aalala ko sa kanya.
"I just... I just found something about Celine," napatingin ako sa kanya.
Alam niya na ba? Hindi kaya... pinaghihinalaan niya rin ako tulad ni Jayden at iba pang miyembro ng Spades?
Bigla niya akong niyakap. Ano bang problema ng mga Galvan? Bakit ba panay ganito nila sa akin?
"A-angelo?" narinig ko ang paghikbi niya.
"F-france... She's m-my s-sister. C-celine is my s-sister,"nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Si Celine?!
Anong ibig niyang sabihin? Paano niya nasabing magkapatid sila? Sa pagkakaalam ko silang dalawa lang ni Mikaela ang anak nina Mikael at Angela Galvan.
"T-tumawag si Tita A-annah sinabi niya sa akin," napakunot noo ako at kumalas sa yakap niya.
"Annah? Annah Sedavia Romero? Ang mommy ni Celine?" paninigurado ko.
"O-oo," sagot naman ni Angelo.
Hindi kaya... hindi kaya umalis si korporasyon si Annah dahil pinagbubuntis niya si Celine noon? Pero papaanong si Mikael ang daddy niya? Paanong naging magkapatid sila ni Angelo.
"I'll be back," agad akong lumabas ng bahay ni Angelo.
Pero paglabas ko may dalawang lalaking nakamask ang humawak sa akin. Nagpupumiglas ako pero masyado silang malakas. Pinapasok nila ako sa isang van.
"Chairman Lee..." siya ang Chairmam ng korporasyon.
Muli naman kaming nagkita.
"You live well," dahil sa kanya nakaligtas ako noon.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomantikLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.