Chapter 70: The Last One Minute

134 13 1
                                    

Kaye POV

Kakauwi lang namin. Nauna sila France at Renz. Si Celine naman wala pa ring imik. Dumaan muna kami sa park ni Em. Nakaupo lang kami doon.

Napabuntung hininga ako habang naiisip si Celine. Gusto ko talaga sila ni Renz pero kung nasasaktan lang din siya wag nalang.

"Tama nang pag-aalala babe," nakapikit na sabi ni Em.

"Psh. Ewan ko sayo. Siguro gusto mo ang France na yon kaya kamping kampi ka roon," nag crossed arms pa ako't sinungitan siya.

"Hahahaha... Ang layo ng naabot ng isip mo Hallara," tinawanan pa niya talaga ako.

"Kasi nga naman Loriega masyado mo namang pinagtatanggol ang babaeng 'yon. Kayo ba?" asik ko pa sa kanya.

"Hoy hoy hoy Kaye Hallara wag kang TH. Hindi ko yon pinagtatanggol. Nagsasabi lang naman ako," todo tanggi pa niya.

"Hindi ako tamang hinala Eminent Jazz Loriega. Abogado ang daddy ko. Kaya hindi magkakamali ang nasesense ko sa France na yon," pagpapaliwanag ko pa.

"Ang pagiging abogado ng daddy mo propesyon yon. Hindi yon namamana sa dugo. Bakit mo ba pinagpipilitan? Ikaw ata ang may gusto e," nakakainis talaga ang lalaking 'to.

"Asa! Bahala ka nga," hindi ko siya pinansin.

"Grabe! Ako kaya ang dapat magalit?" hindi ko pa rin siya pinansin. "Oo na! Oo na naghihinala din ako kay France."

Napangiti ako at lumapit sa kanya.

"Diba? Diba? Nakakapaghinala talaga? Hmp! Tatanggi ka pa e," napakamot siya sa sinabi ko.

"Magagalit ka kasi pag hindi ko sinabi yon. Pero hindi naman sobra ang paghihinala ko sa kanya," nkikinig lang ako sa kanya. "Tara na nga. Masyado mo nang iniisip ang France na yon. Inaaway mo na boyfriend mo."

Inakbayan niya ako at naglakad kami paalis sa park. Sana lang talaga maayos sina Renz at Celine.

Celine POV

I really want to talk to him. Ngayon din ang alis niya. Hindi ko siya pipigilan. Gusto ko lang talaga siyang makausap.

"Mister!" pareho silang napalingon ni France.

Pasakay na sana sila ng sasakyan papuntang Airport.

"Celine..."

God knows how much I missed him.

"P-pwede ba tayong mag-usap?" hindi siya tumingin sa akin.

"Kailangan na naming umalis," tinalikuran niya ako.

"Five minutes. K-kahit five minutes lang," pakiusap ko sa kanya.

Pero nagtuloy lang siya sa paglalakad. Kaya naglakad ako papunta sa kanya at hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.

"One minute. One minute lang Charence Angelo Galvan," humarap siya sa akin.

"Your time is ticking," tumayo ako ng diretso at tumingin sa kanya.

"Hindi kita pipigilan. A-alam ko na sobra kitang nasaktan noon. I want to apologize for that. Sana mapatawad mo ako," pagsisimula ko.

"Fifty seconds..."

"That moment na h-hinabol mo ako para lang tulungan akong hanapin ang r-room ko sobrang nagpapasalamat ako at nakilala kita. T-Thank you kasi hindi mo ko sinukuan. Minahal mo ko ng totoo," sa ngayon ayokong ipakita sa kanyang umiyak ako.

"Forty seconds..."

"Sobrang saya ko nang pinakasalan mo ko. Ako ata ang pinakamaswerteng babae. Nagustuhan ako ng isang Charence Angelo Galvan," naalala ko pa ang kasal na yon.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon