Jayden POV
"I already told Celine," sabi ko kay Kristen.
She was just looking at me na para bang may hinihintay na sabihin ko.
"Sinabi ko na sa kanya ang totoo," dagdag ko pa. Nilapitan ko siya't niyakap. "I'm sorry Kristen."
"Humihingi ka ba ng tawad dahil gusto mo pa rin siya o humihingi ka ng tawad dahil hindi mo na ako gusto?"
Nagulat ako sa itinanong niya. I really like Celine but with our situation I may have misinterpret my feelings for her. Oo gusto ko pa rin si Celine but the thought na mawawala sa akin si Kristen parang unti-unti akong namamatay.
"Humihingi ako ng tawad dahil napakatanga ko. I am sorry for hurting you before. I am sorry for not being a good man for you. Alam ko nasaktan kita pero talagang mahal kita Kristen. Sobrang tanga ko kung iisipin at paninindigan kong gusto ko si Celine. Masyadong malaki ang pagmamahal ko sayo Kristen kaya sana handa ka pa ring tanggapin ako kahit napakagago ko," narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"Hindi ko alam mahilig ka na magsenti ngayon," humarap siya sa akin at nginitian ako. " Kahit ikaw pa ang pinakagago at pinakatanga sa mundo gugustuhin at mamahalin pa rin kita. You will always be my personal Jayden."
I am so lucky to have this amazing woman. Maraming na kaming napagdaanan at marami na rin ang nagbago. Yet she's here still loving and supporting me. Wala nang mas sasaya rito.
"You are going to marry me okay? I can't let my little baby born out of wedlock," then I kissed her forehead.
"Para namang may choice pa ako."
Natawa kaming pareho.
Kristell POV
Bigla akong napaisip sa sinabi Jayden. Tama nga naman siya. Dapat sabihin na namin kay Celine ang totoo.
"Baby... Anong gumugulo sa isip mo?" sabi sa akin ni Vaughn kasabay ng pagyakap niya mula sa likuran.
"Naisip ko lang kasi na siguro dapat na nga natin sabihin kay Celine ang totoo," sagot ko naman sa kanya
"Do you know why I kept the truth from you before even I fell for you deeply?" napakunot noo ako sa tinanong niya. "Sometimes truth tend to complicate things rather than fix things. Not because Charence didn't tell the truth it already mean he love Celine less."
Tama nga naman si Vaughn. Hindi basehan ang ganoong bagay. Alam na namin kung gaano kamahal ni Renz si Celine.
"May itinatago ka pa ba sa akin Vaughn?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Mer- Wala!"
Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin kong muntik na niya nang sabihing meron.
"Meron pala ha. Sabihin mo nga. Ano ang itinatago mo Vaughn Carlo?"
"Sabi ko nga 'di ba it only complicate things," hinawak-hawakan niya pa ang mukha ko.
Tinabig ko ang kamay niya at tinitigan siya ng masama.
"Mas pipiliin mo talagang maglihim sa akin?"
"Do you really want to know?"
"Syempre. Ayokong naglilihim tayo sa isa't isa," sabi ko.
"You will regret knowing," nakangisi pang dagdag niya.
"Hindi ko pagsisisihan."
"I'm planning to marry you after Kristen's. I will propose to you on-"
"Stop! Bakit mo sinabi 'yan? Edi hindi na 'ko masusurprise," nanlulumong sabi ko.
"Akala ko ba gusto mong malaman? Sabi mo pa nga hindi mo pagsisisihan," natatawa pa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomanceLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.