Em POV
Bakit bigla bigla naman ang desisyon ni Dad?
"May problema ba?" nakangiting tanong sa akin ni Kaye.
Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Bakit naman sasabihin ni Dad 'yon? I already told him my plans. He already agreed. Why is he changing his mind now?
Napatingin ako kay Kaye. This will hurt her.
"Sana makita nga talaga ni Jayden si Celine," nakangiting sabi niya.
"Sana nga. Sa tingin ko magiging okay naman ang lahat kung naroon nga talaga si Celine," sana lang naroon siya.
I can't hurt Kaye. I have to do something. Hindi pwedeng mangyari 'to.
Celine POV
Agad akong napabangon at pinalibot ang tingin.
Nasaan ako?!
Naalala kong may dumukot sa akin kanina.
Biglang bumukas ang pinto kaya't napatingin ako sa pumasok.
"You're awake now Celine."
"Mommy?!"
Hindi ako makapaniwala. Bakit nandito si mommy!
"Kumain ka na muna," pinatong niya ang dala niyang tray sa side table.
"Bakit...?"
Siya ang nag utos sa dalawang men in black na 'yon?
"Where are we mom?" hindi siya sumagot.
Lumabas lang siya ng kwarto. Huwag mo na lang isipin Celine kung paano kayo nagkasama ng mommy mo. Ang mahalaga magkasama na kayo.
Agad ko tinapos ang pagkain ko at nag- ayos bago lumabas. Nasa second floor ang kwartong tinuluyan ko. Pagbababa nakita ko kung gaano kagarbo ang bahay na 'to.
Ito ang bahay na tinutuluyan ni mommy? Sa kanya kaya ang bahay na 'to? Ang daming pumapasok na tanong sa isipan ko.
Si Tito Mikael!
Siya nga pala. Hindi natuloy ag pag-uusap namin. Hindi ko pa nakukuha ang sagot sa kanya. At si...
Si Madam Star!
Ang huling sinabi niya dadalhin niya ako kay mommy. Siya siguro ang nagdala sa akin dito.
"Ipapakasal ko si Celine," dinig kong sabi ni mommy.
Kaya mabilis akong pumunta sa kinaroonan niya. Kausap niya si Madam Star.
"What do you mean Mom?" kanino niya ako ipapakasal?
"Gising ka na pala Hija. Welcome to my house. Just feel at home," nakangiting sabi ni Madam Star sa akin.
Pero nanatili akong nakatingin kay mommy at naghintay sa sagot niya.
She looked different. Magandang damit ang suot niya at maraming alahas na suot. Hindi naman mahilig si mommy sa mga ganito. Parang hindi siya ang dating Annah Sedavia Romero. Parang hindi siya ang mommy ko.
"Mom I am asking. What do you mean na ipapakasal mo ako?" ulit ko sa kanya.
Tumikhim si mommy bago nagsalita nang hindi nakatingin sa akin.
"You have to marry Mr. Loriega's son," natigilan ako sa sinabi ni mommy.
L-loriega?
E-em? Si Em ang iapapakasal ni mommy sa akin?!
No!
Hindi pwede! I can't let that happen! Masasaktan ko hindi lang si Kaye kundi ang buong Spades.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomansaLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.