Chapter 84: The Escape Part II

108 10 0
                                    

France POV

"Kaya mo bang mabalian para kay Angelo?" wala na akong ibang maisip.

"A-Ano?!"

"You have to break your bone to get out of here. I will try to make the guards leave and you have jump from here," sabi ko sa kanya.

"W-what?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Do it or you won't ever see him again."

"N-natatakot ako."

"You have to do this Celine. Alam mo ba kung gaano karami ang bantay mo. Lalabas ako. Pag nakita mo ko sa baba doon ka lang tatalon."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas. Nakatingin naman ang bantay niya sa akin.

"She's sleeping. Maybe I'll visit her next time," napatango naman silang dalawa.

Agad akong bumaba. Sa back door ako dumaan palabas. Mabuti na lang at dalawa lang ang bantay dito.

"Excuse me," lumapit ako sa dalawa.

Nakita ko naman sa taas si Celine na nasa loob pa at mukhang kinakabahan.

"Miss Annah is looking for both of you," nag-aalangan pa sila.

"I can go inside. You stay here," peste.

Nang makapasok na ang isang lalaki sa back door sinenyasan ko si Celine na tumalon.

Agad din naman siyang tumalima. Naglikha 'yon nang tunog kaya naalarma ang bantay na naiwan.

"Where do you think you're going?" sabi ng bantay pero agad ko naman siyang hinarangan at tinulak para hindi makalapit kay Celine.

Tinulungan ko si Celine na makatayo bago hinarap ang bantay. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya nasuntok niya ako.

Hindi man lang ako nakailag. Hayp na lalaking 'to. Pumapatol sa babae. Masakit at mabigat ang kamao niya dahilan para magdugo ang pisngi ko.

Mukhang mapapalaban ka France. Gumanti ako ng suntok pero hindi ko siya tinamaan. Masyado siyang mabilis umilag. Sinipa ko siya bago niya pa ako masuntok ulit. Sa pagkakataon ito nasipa ko siya at siniko ang mukha niya dahilan upang mapahiga siya.

Agad kong inalalayan si Celine na makaakyat sa puno at makatalon palabas. Bago pa man makabangon ang bantay nakaakyat na ako't nakatalon. Buti na lang at taman tama ang parking ni Vaughn.

Agad kong binuksan ang pinto ng kotse ni Vaughn at pinasakay si Celine. Umupo naman ako sa passenger seat. Pinaandar niya rin naman nang makalayo kami.

"Don't you know how much this car cost France? Millions! Dollars!" nagasgasan lang naman ang bubungan pero kung makapagreklamo para bang nasira talaga.

"Babayaran ko! Kung gusto mo nga bilhin ko na lang 'to sayo ngayon," sinipat niya ang mukha ko pero agad ko rin namang tinabig ko ang kamay.

"Nabangasan ata ang mukha mo France," nakangiti pang sabi ni Vaughn. "Mahal na mahal mo naman ata ang hari at nakikipagbuno ka para lang mailigtas ang kanyang reyna."

Inirapan ko lang siya at bumaling kay Celine.

"Nabalian ka ba?" umiling naman siya.

"M-masakit lang p-pero wala namang n-nabaling buto sakin," alam kong kinakabahan at nabigla siya.

"Saan natin siya dadalhin?" tanong naman ni Vaughn.

"Sa bahay na lang. Mas mabuting doon na muna siya. Narito ba ang laptop mo?" tumango naman siya habang itinuturo sa likod.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon