Third Person POV
Naging maayos ang lahat kahit na wala si Annah. Hanggang sa lumaki na ang mga anak nila. Pero umaasa pa rin si Kristoffer na makikita niya si Annah kahit pa na dalawa na ang anak nila ni Yelia. Masaya na siya kay Yelia ngunit nais niya lang na magkausap si Anna upang mabigyang linaw ang naging ugnayan nila noon.
"Hanggang ngayon ba naiisip mo pa rin ang babaeng 'yon?" may bahid ng galit na tanong ni Yelia.
"Paulit-ulit na lang ba tayo sa usapang ito Yelia? Baka marinig ka ng mga bata," mahinahong sagot niya.
"Mas mabuti ngang marinig nila at nang malaman nila kung gaano kabaliw ang ama nila sa malanding babaeng 'yon. Hindi ko matatanggap na ipinangalan mo pa talaga si Kristen sa babaeng 'yon."
Pinangalanan ni Kristoffer ang panganay nilang 'Hannah Kristen'. Hannah mula sa pangalan ni Annah. Kung kaya't ang sumunod ay ipinangalan niya sa asawa. 'Hailey'. Kabaliktaran ng Yelia.
Sinubukan niyang suyuin ang asawa pero lagi nitong isinusumbat sa kanya ang naging relasyon nila ni Annah. Iginugol niya na lamang ang oras niya sa hospital para maiwasan ang madalas nilang pagtatalo.
"Seeing you being like this Kris makes me fear marriage," sabi ni Jibreel sa kanya nang magkayayaan silang uminom.
Natawa naman siya sa tinuran nang kaibigan.
"Bakit naman kasi hindi mo pa pakasalan si Den? Napanganak na si Jayden pero hindi pa rin kayo ikinakasal. Ayaw mo bang gamitin ng anak mo ang apelyedo mo?"
"I am planning to. But after Dad pass his position to Kuya Mikael. Ayokong makaalitan ang Kuya nang dahil lang sa posisyon na 'yon. Nagkasundo na rin namn kami ni Den."
"Buti pa kayo."
Natawa na lamang silang dalawa sa sitwasyon nila. Samantalang hindi inaasahan ni Kristoffer na makikita niya ngang muli si Annah kinaumagahan sa opisina.
"Annah?"
"I r-really need you h-help," agad niya namang pinatahan ito.
"What happened?"
Ikinuwento niya ang tungkol kay Hannah Celine. Mahina ang puso ng anak niya. Kung kaya't hindi ito katulad ng ibang normal na bata. Ayaw niyang mahirapan ang anak niya sa paglaki nang dahil lang sa sakit nito. Maliban sa sakit ni Hannah Celine hindi niya sinabi kay Kristoffer na siya ang ama ng anak niya.
Natigilan si Annah sa paglapit sa anak nang may batang lalaking lumapit ditto.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ng batang lalaki sa anak niya.
"Kasi...huhuhu..sabi ng doktor..huhu.. mahina raw ang puso ko," nanikip naman ang dibdib niya sa sinabi ng anak.
Gusto niya na sanang lapitan ang mga 'to nang magsalita ulit ang batang lalaki.
"You can make it. Pwede ka namang magkaroon ng donor," napangiti siya nang binigyan nito ng lollipop ang anak niya.
Lagi niyang pinapagalitan si Celine kapag kumakain ito ng mga matatamis na kendi ngunit sa sitwasyong iyon hindi niya magawang magalit. Lalo pa siyang namangha sa anak ng hinawakan nito ang kamay ng batang lalaki.
"Doctor tulungan niyo po ako. Gusto ko pong mabuhay nang matagal. Ayokong makita sila mommy at daddy na umiiyak, " nagulat siya nang tumigil ang anak niya sa pag-iyak.
Mahirap patahanin si Celine. Ilang paraan na rin ang sinubukan niya noon pero nahihirapan talaga siya patahanin ang anak.
"Hindi ako doctor."
Nagsimula muling umiyak ang anak niya.
"Stop crying. I will be when I grew up," kinuha ng batang lalaki ang relo niya at isinuot iyon kay Celine.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomanceLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.