Celine POV
Nakauwi na kami ni Jayden. Sinubukan kong tawagan si mommy pero hindi talaga siya sumasagot. I need to talk to her. Kasama ko si Kaye at Kristell ngayon. Ikinuwento ko sa kanila ang nalaman ko.
"As in si Tito George?! Oh my God! Hindi talaga ako makapaniwala! Parang kailan lang nakipagbasket pa 'yon kay Daddy. Hindi kaya napagnasaan niya rin siya si Dad noon?!"
Tinapunan ko si Kaye ng unan. Grabe siya kay Daddy.
"Hindi naman ganoon si Daddy!" angil ko sa kanya.
"Malay mo lang naman 'di ba. Hindi natin alam," tumawa pa talaga siya pati si Kristell ay natawa na rin.
"Pero mas naiisip ko kung si Tito Mikael ba talaga ang Daddy ko. I really hate having this thoughts Kaye. Sana lang hindi totoo," ipinagdadasal ko talagang hindi kami magkapatid ni Galvan.
Alam kong hindi brother's love ang nararamdaman ko sa kanya. Alam kong mahal ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Maaaring kapatid mo siya at kapatid mo ang isa. Naku Celine ang sama talaga ng kapalaran mo. Wala nang Galvan wala pang Jayden," dagdag pa ni Kaye.
"Ang malas natin Celine. Ako nga hindi pa rin makapaniwalang pinalipat ni Tito Mikael si Dad. Ayoko na talaga sa Earth," sabi naman ni Kristell na mukhang problemado rin.
"Hindi ko nga maimagine na magiging kuya ko si Galvan. Tapos pinsan ko pa si Jayden. Idagdag pa si Mika," nakapanlulumo talaga.
"Kung ano man ang mga mangyayari at malalaman mo tandaan mo lang na nandito lang kami. Nandito lang ako at ang Spades para sayo," gumaan ng konti ang pakiramdam ko sa sinabi ni Kristell.
"I really want to be a Galvan. But as a wife not a sister."
"Paano kung... paano kung si Tito Mikael na lang kaya ang tanungin mo?" napatingin kami ni Kristell kay Kaye.
Tama. Kung hindi ko makakausap si mommy, si tito Mikael na lang. I think he knew something.
"Pupunta muna ako sa GMH," kinuha ko ang bag ko at nagtungo sa hospital.
Sa pagkakaalam ko nasa east wing ng hospital ang opisina ng Daddy ni Galvan. Hindi gaanong maraming tao ngayon. Habang papalapit ako parang tinatambol ang puso ko. Natatakot. Kinakabahan. Nalulungkot. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Nasa labas na ako ng pintuan. Humugot ako ng lakas ng loob bago pinihit ang door knob.
Nakaupo si tito Mikael habang nagtatype sa computer niya. Nagulat siya ng makita ako.
"Celine? Kamusta ka na?" tumayo siya at lumapit sa akin.
Niyakap niya ako.
Pinakiramdaman ko ang yakap na 'yon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung dahil ba sa kaba o lukso ng dugo.
Hindi!
Hindi pwedeng siya ang daddy ko!
I want him to be my dad by law not by blood.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko.
"Are you okay?" pag-aalala ni Tito Mikael.
"I... I j-just want... I w-want to know s-something," tumingin ako ng diretso sa mata niya. "Do y-you know my mom before?"
Nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Nawala ang ngiti niya kanina.
"What do you mean hija?" seryosong tanong ni Tito.
"L-lumayo si m-mommy nang d-dahil sa inyo hindi ba?" natatakot akong itanong ang gusto kong malaman.
"Did she tell something to you?" mas lalo pang naging seryoso si Tito Mikael.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomanceLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.