Celine POV
Mag-isa na nga ako sa bahay mag-isa pa akong pauwi ngayon. Malapit lang naman kasi kaya naglakad ako pauwi. Bakit ba ang lungkot ng buhay ko?
Napahinto ba lang ako nang may isang white rose akong nakita sa daan. Muntik ko pang matapakan.
White Rose.
Tulad ko rin ba malungkot ka? Mag-isa ka lang tapos nasa daan pa. Pag may napadaang sasakyan siguradong kawawa ang petals mo.
"Haaaaay," napabuntong hininga na lang ako't nagpatuloy sa paglalakad.
Pero may isa pa ulit na white rose akong nakita. Bakit nakakalat ang mga 'to? May magjowa bang nag-away? At basta basta na lang tinapon ang mga roses na 'to. Nakakainis naman sila! Ano bang akala nila sa white roses? Wala lang? Favorite flower ko kaya 'to tapos sa iba hindi man lang nila nabigyan ng halaga.
Nagtaka na ako nang makapulot ulit ako ng rosas. Ilang rosas pa ba ang mapupulot ko? Napakaechosera naman ng magjowang nag-away at nag-iwan ng mga 'to sa daan.
Nakalimang rosas na akong na napulot hanggang sa makauwi ako. Wala naman na sigurong kukuha ng mga rosas na 'to. Kinuha ko ang susi ko sa bag at binuksan ang pinto.
Namimiss ko ang ingay ni Kaye. Bakit kasi ayaw niya na tumira rito? Porket may Em na siya ipinagpapalit niya na ako. Kumuha ako ng maiinom na tubig sa ref bago pumunta sa kwarto ko.
Napakunot noo ako ng may makita akong note na nakadikit sa pinto ko.
"You are imperfectly perfect made for me," basa ko sa nakasulat.
Pagbukas ko ng pinto agad kong napansin ang malaking box na nakapatong sa kama. Paanong may napuntang karton dito sa kwarto. Hawak hawak ko pa rin ang mga white roses na napulot ko kanina.
Binuksan ko ang box at bigla namang nagliparan ang mga lobo mula roon.
Ano 'to?
May mga notes rin na nakadikit sa mga lobo. Kaya hinila ko ang isang lobo at kinuha ang note na nakadikit dito.
"You are my brightest star in the darkest night."
Napangiti ako sa note. Anong pakulo 'to? Kinuha ko naman ang isa pang note sa isa pang lobo.
"You are my one in a million."
Napalinga naman ako kung may iba pang tao rito sa kwarto. Pero wala naman. Sinong naglagay nito sa kwarto ko?
"🎶I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead🎶"Napatingin naman ako agad sa veranda. Hindi ko na kailangan pang aninagin. Sigurado akong kay Galvan ang boses na 'yon.
"🎶Well I found a girl beautiful and sweet I never knew you were the someone waiting for me🎶"
Napapailing pa ako't makailang beses na napakurap. But it is really him. Siya ang lalaking ngayo'y naggigitara sa veranda.
"🎶'Cause we were just kids when we fell in love Not knowing what it was🎶"
Hindi ko mapigilang hindi mapaluha sa sobrang saya. Lalapit pa sana ako sa kanya pero siya na mismong lumapit sa akin mula sa veranda.
"🎶I will not give you up this time🎶"
His smile! I really missed that smile. Sobrang miss ko ang lalaking 'to.
"🎶But darling, just kiss me slow, your heart is all I own And in your eyes you're holding mine🎶"
Wala man lang kapiyok piyok. Talagang pinraktis niya ang kanta niyang 'to.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
Storie d'amoreLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.