Chapter 89: The Forbidden Love

88 9 0
                                    

France POV

Hanggang ngayon hindi pa nakakabalik sila Celine at Angelo. Bakit ko ba sila pinuproblema? Ang dami ng iniisip ko sasali pa sila.

I just called Sir. Masama 'to. Chairman Lee died. Hanggang ngayon inaalam ko pa rin kung sino ang bumaril sa kanya. Maaring isa 'yon sa papalit sa kanya.

Hindi ko alam kung kanino sa kanila.

Pwede rin naman si Mikael Galvan. Lalo na sa kanila naman talaga ang GMH. At ama niya si Raphael. Maaring malaki ang galit niya kay Chairman Lee na pumalit sa ama niya noon. Pwede rin si Jibreel Galvan. Lalo na sinadyang patayin si Dennica Riego na ina ni Jayden Chan. Maaari rin si Kristoffer Raymundo.

"Pwede mo ba akong samahan mamasyal dito mamaya?"

Napatingin naman ako kay Jayden Chan. Ano na naman kaya ang naisip nito at kinulit na naman ako?

Ilang araw na siyang nandito. Kaya't ilang araw na ring sira ang sistema ko.

"Tatapatin na kita Jayden Chan Galvan. Gusto kong mamuhay rito ng payapa. So if possible can you just leave? Ngayon alam mo nang hindi ako ang kumuha kay Celine," hindi ko na talaga gusto ang presensya niya dito sa bahay.

"But I enjoy my stay here. I enjoy being with you," napapikit ako sa mga binitawan niyang salita.

Napatawa na lang ako bago seryosong tumitig sa mga mata niya.

"Alam nating pareho na impormasyon ang habol mo sa akin Chan. Sinabi mo nga sa akin na si Celine ang gusto mo hindi ba?" hindi ko alam kung bakit nagagalit ako.

"Sa mga kinikilos mo, sa mga salita mo, you are giving me reasons to like you Chan. Hindi ka mahirap gustuhin. But it would be difficult for me if I let this feelings grow inside me," I don't know where did I get those words.

"Dahil ba sa tinatrabaho mo?"

"Dahil magkaiba tayo. I am just Francine Avila. Sa paningin niyo laging mali. Laging may gagawing masama. Ayokong mahulog sayo, sa taong hindi naman ako gusto," hindi siya umimik.

"Francine!"

Napatingin naman ako sa pinto. Sila Celine at Angelo! At last they are back.

"Your father is here," sabi ko sa kanila.

"I know," sagot naman ni Angelo. "I'll bring Celine to him."

Napatingin naman kaming tatlo sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?

Celine POV

Ano bang pinagsasasabi ni Mister? Akala ko ba okay kami?

"Dad wants to see her. Naroon na rin si Mika," napatango naman si France.

"H-hindi mo s-sinabi sa akin Mister. Ayokong maging kapatid mo!" sabi ko.

"Kapatid?" tanong naman ni Jayden.

"She's my sister and your cousin," sagot naman ni Galvan.

Muli naman bumalik ang kaba at takot ko. Hindi kaya dinala niya ako roon dahil huli na naming sandali 'yon?

"What? Is that true Celine?" naguguluhang tanong ni Jayden.

Hindi nga niya pala alam. Naiinis akong lumabas ng bahay ni France. I thought he was going to keep me. Anong nangyari doon sa sinabi niya? Wala na ba 'yon.

Hindi ko napansin sinundan niya pala ako. Pinaharap sa kanya.

"Let's have our lunch here before going home," sabi niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at pumasok na lang ulit. Tahimik lang kaming apat habang kumakain. Wala ni isa sa aming nagsasalita.

Hanggang sa nagpaalam na kami kina Jayden at France. Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa kotse.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon