Chapter 133: The Possibility

59 4 0
                                    

France POV

Pagmulat ko nakahiga na ako sa isang hospital bed at nakabantay sa akin si Jayden. Mukhang nakatulog siya sa pagbabantay. Sinubukan kong tumayo pero biglang may brasong pumigil sa akin.

"Where do you think you're going?" umangat ang ulo niya.

Nakapikit pa talaga siya. Akala ko pa naman nakatulog talaga siya. Ilang oras na kaya ako rito? I still have to check on Vaughn.

"Si Vaughn?"

Tiningnan niya naman ako ng masama. Ano bang problema nito?

"Talagang si Vaughn pa ang unang pinroblema mo at hindi ang anak ko?" napalunok naman ulit ako. "So kung hindi ka pa nagcollapse sa harapan ko hindi ko pa malalaman? Tsk. Hindi kita tatanungin ngayon o aawayin. Bawal kang maistress sabi ng doctor."

"Sasabihin ko naman kasi-"

"Ilang taon na ngang nakalipas ni hindi mo nga nasabing ikaw si  Kristen," now he is really annoyed.

"I'm sorry. P-pero... pero sana wala na munang ibang makaalam," napakunot noo siya. "Ayokong madamay kayo sa gulo ko. Sana hindi mo sabibin sa kanila."

Napabuntong hininga siya't niyakap ako.

"Kung 'yan ang gusto mo. Pero 'wag na 'wag mong pababayaan ang sarili mo kung hindi itatali talaga kita sa akin," napangiti naman ako.

I hugged him tight. I really missed him.

"What a great sight. Babaeng babae na talaga ang pinsan ko," napahiwalay ako agad nang marinig ko ang boses ni Seb.

"Panira," dinig kong bulong ni Jayden.

Napangiti ako sa inaasta niya.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Grabe! Nag-aalala na nga ako sa magiging pamangkin ko ginaganyan mo pa ako," pag-iinarte niya.

Hindi ko mapigilang hindi mapatawa. Sana lang talaga maging maayos ang lahat. At sana masabi ko na rin sa iba ang totoo.

Celine POV

Pinasara ko muna ang coffee shop. Mas kailangan kong pumunta sa hospital. Bakit ba lagi na lang kaming suki sa hospital?

"Piko!"

Napatingin naman ako sa sasakyang tumigil sa tapat. Buti naman at hindi na ako gagastos. Pupunta sana kami kagabi pero sobrang busy talaga. Tapos hindi naman kami masyadong nagkausap ni Galvan.

Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko siya binalingan ng tingin. Nakatingin lang ako sa dadaanan namin. Hindi man lang kami nagpapansinan.

Hanggang sa pagdating nga namin ng hospital hindi kami nagkausap. Talagang natitiis niya ako. Sige lang. Kung kaya mong hindi ako pansinin bahala ka.

Pagdating namin ng hospital hindi pa nagigising si Vaughn. Mukhang nagpuyat talaga si Kristell kababantay kay Vaughn.

"I almost lost him. Ayoko nang maulit 'yon. Hindi ko na hahayaang maulit pa 'yon. I really love Vaughn but I'm so stupid that I tried to leave him. Hindi ko na talaga siya iiwan," puno ng sinseridad na sabi ni Kristell.

Ano ba kasi ang nangyayari sa kanila? Bakit naging komplikado lahat?

"I love you more Hailey," nagulat si Kristell nang biglang magsalita si Vaughn.

"Gising ka na pala!" mahinang tinampal ni Kristell ang braso ni Vaughn.

"So you won't leave me anymore?" nakangiting tanong ni Vaughn.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon