France POV
"B-bakit ka t-tatabi sa akin?" hindi ko talaga gustong nandito ang lalaking 'to.
"Make your enemy closer. Kaya nga kung saan ka doon ako," nakacross arms pa siyang humiga sa tabi ko.
Ano bang nakain ng lalaking 'to?
Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Sana lang hindi na ulit tumawag si Sir. Baka makita pa ni Jayden Chan.
Pinilit kong ipikit ang mga mata at matulog. Matulog ka France! Ipakita mong hindi ka apektado sa presensya niya. Kaya mo yan!
Tiningnan ko kung gising pa siya pero nakatagilid na siya't nakatingin sa akin. Nakailang lunok na ko't kung saan saan napatingin.
"Hindi ko alam kung anong nangyari sa nararamdaman ko para kay Kristen. Mahal ko na talaga si Celine," napatingin ako sa kanya.
Bakit sinasabi niya sa akin 'to? Ano naman ang kinalaman ko sa kanila? Ano bang ginagawa mo sa akin Jayden Chan?
"B-bakit mo s-sinasabi sakin yan?" napalunok ulit ako.
France umayos ka!
"Parang ang hirap nang alisin ang nararamdaman ko sa kanya. Pero 'pag ikaw siguro makakaya mo," ngumiti siya ng nakakaloko.
"H-hah?"
"Kayang-kaya mong maging ikaw na ang mahal ko't hindi siya," inalis ko ang tingin ko sa kanya at pumikit.
Huwag kang papadala sa lalaking 'yan Francine. Tandaan mo may kailangan ka pang gawing mga plano. Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin niya.
Sinilip ko kung nandyan pa siya. Pero nakaharap na siya sa kabila.
Jayden Chan.
Bakit ba kailangan mong gawin 'to para kay Celine? Bakit ba gustong-gusto niyong malaman ang plano ko?
Ayokong mapahamak kayo nang dahil sa akin. Ayokong mapahamak nang dahil din sa inyo.
Sana maintindihan niyo.
Si Celine nga pala!
Sinigurado kong tulog na si Jayden Chan bago umalis. Pumunta ako sa storage room.
Nilock kong mabuti ang pinto bago binuksan ko ang lumang aparador. May pintuan kasi dito papuntang secret room. Pinagawa para sa akin ni Sir ang bahay na 'to. Para makapagtrabaho ako ng maayos.
Nandito lahat ng files, pictures, blueprints, at mga dokumentong tungkol sa mga Galvan, Raymundo, Hallara, Loriega, at Avila. Mga makapangyaring pamilya. Mahirap banggain. Mahirap lusutan. Pati gobyerno hindi ni minsan nakialam sa kanila. Sila ang may pinakamaipluwensyang korporasyon.
Noong una gusto ko lang lumayo. Ayokong pasukin ang bagay na 'to. Ayokong kalabanin kung sino man ang sa likod ng mga insidenteng may kinalaman sa Galvan Medical Hospital. I almost died because of the fire. Pero ‘yon din ang nagtulak sa akin para gawin ‘to.
Lalo na ang mga Galvan. Ang hirap kalabanin ng pamilya na ‘yon. Marami silang kayang gawin. Marami silang sikreto. Marami silang koneksyon. Lalo na’t malaki ang tsansang isa sa pamilya nila ang maaaring maging Chairman. Makapangyarihan ang Chairman sa korporasyon. Kaya hindi na nakakapagtaka na makikipagpatayan sila para lang makuha ang posisyon na ‘yon.
Alam kong isang palabas lang ang GMH. Mas higit pa sa pagiging Chairman ng hospital ang pinag-aagawan nila. Kaya nga sobrang higpit ng patakaran nila. Hindi rin madali na pasukin ang server nila. Pati ang security mahirap din ihack. Gusto kong malaman kung sino ang nakakuha ng secret files. Totoong pumunta ako sa GMH para kunin ‘yon pero walang laman ang nakuha ko. May isa pang kumuha nang araw din na ‘yon. At ang taong ‘yon ang kailangan kong mahana.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomantiekLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.