Kristell POV
Siguro naman ay may malalaman din ako mula kay Seb. Hindi pa sapat ang nalalaman ko mula kay Jezel.
"Kahit ako rin naman naninibago kay France," sabi ni Seb.
"What do you mean?"
Hindi kaya tulad din sa sinabi ni Jezel? Kung ganoon nagkaroon nga siya ng amnesia?
"Palagi na lang siya sa kwarto niya. She's doesn't like milk pero 'pag nagkakasabay kami 'yon ang iniinom niya for breakfast. Tapos pati sa tinapay gatas pa rin ang ginagawa niyang palaman. Lagi pa siyang nakikipag-usap sa akin. So weird right?" mahabang saad ni Seb.
"I think that's normal," sabi naman ni Mika kaya't napatingin kami sa kanya.
"Hindi normal 'yon hon. She's not like that. Hindi ginagawa ng pinsan ko ang mga ganoon," mukhang frustrated talaga siya.
"She's pregnant. That's normal for a pregnant woman okay?"
Pareho kaming natigilan ni Seb. Totoo ba ang sinasabi niya? Buntis si France? Paano naman nangyari 'yon? Wala naman... Si Jayden!
"What? Then something really happened between her and Jayden?" hindi makapaniwalang bulalas ni Seb.
"Ofcourse. But you should confirm it to her first. Baka mali pa," dagdag pa ni Mika.
May gusto pa sana akong sabihin. Pero siguro mamaya na lang kapag dalawa na lang kami ni Seb. I don't want to fall into conclusions right away. Buti na lang at pumunta muna ng CR si Mika. Right timing.
"Seb hindi ba umuwi kayo ng Pilipinas noon ni France?"
"Yes," sagot niya.
"May nangyari ba kay France dito? I mean something like accident," napaisip naman si Seb sa sinabi ko.
Pilit niyang inaalala.
"Tama! Naalala ko noong dumating kami rito nagkasakit siya. Kaya dinala ko siya sa hospital nila Mika. Doon siya simulang nagbago. Nagkaroon kasi ng sunog sa room kung saan siya nakaconfine. I really regret leaving her that time. Buti na lang at ligtas siya. Pero namatay 'yong kasama niya room," hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. "Hey, okay ka lang ba? Kristell?"
"Si K-kristen... si K-kristen ang n-nakasama niya siya room. The o-one who d-died is my s-sister," hindi ko mapigilang hindi mapahagulhol.
"I'm sorry. I didn't knew," he tried to comfort me.
"I n-need to go. P-pupuntahan ko si F-france. I have to t-talk to her. I really need to talk to her," hinayaan naman ako ni Seb na umalis.
Kung alam ko lang. Kung alam ko lang talagang magkasama sila ni Kristen nang mangyari 'yon. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang kaba at gulat. Iba't ibang emosyon ang nakapaloob sa akin. Isa lang ang nasisiguro ko.
France had talked to Kristen. I really believe they had talk before the accident.
Kaya pala ganoon si France.
Jayden POV
I really want to see France. But she's ignoring my call. I missed her so much! I'm about to call her when I saw Kristell's calling me. Sinagot ko naman agad.
"Kristell?"
"D-do you k-know where's F-france?" why is she crying?
"Umiiyak ka ba? What happened? Pinaiyak ka ba ni Vaughn? Humanda sa akin ang lalaking 'yon!"
"It's n-not about h-him," I sighed. "It's about K-kristen."
I froze.
Kristen.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomanceLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.