Chapter 88: The Pinky Swear

97 9 0
                                    

This Chapter is dedicated to Eloisa, Jezeal, Julie, Jezel, Pren Cess, Jella Marie, at iba pang Chaline Warriors❤

Celine POV

Ang dami naming pinuntahan  kaninang umaga ni Galvan. Second day na namin dito. Sana hindi na 'to matapos.

"Ano ba gusto mong kainin?" tanong niya sa akin.

Lunch time na kasi. Hindi pa kami nakapagtanghalian.

"Curry!" agarang sagot ko sa kanya.

Ginulo na naman niya ang buhok ko. Bakit ba ang hilig niyang gawin 'to sa 'kin? Naiwan ako table namin. Siya naman ang nag-order. Ang cute niya talaga.

"He's looked at me! He is so handsome," napatingin ako sa dalawang tisay sa kabilang table.

Naningkit ang mga mata ko sa kanila. Excuse me? Ako kaya tiningnan ni Galvan. At tsaka 'asawa' ko siya. Asawa, husband,  kabiyak, in short akin siya. Akin lang.

Haaays Celine possessive?

Pagkatapos niyang mag-order ay bumalik na siya sa table namin. Pero bago pa man siya makatungtong sa pwesto namin kunwari pang nagpabunggo ang babaeng tisay sa kanya.

"I'm so sorry. I didn't see you," may pahawi pa kunwari ng buhok niya.

Napabuga na lang ako. Tapos si Galvan ngingiti ngiti rin. Talagang nagpapalandi talaga siya. Mas okay pa si Francine sa babaeng 'to e.

"It's okay. My fault," pa-gentleman pang sagot ni Galvan.

Bakit ba panay ngiti niya sa iba? Naiinis na talaga ako. Pero kailangan kong kumalma. Relax lang Celine. Husband mo na rin naman siya. Napangiti ako nang maisip 'yon.

"Anyway, you are?" halos mapunit na mukha ng babae kakangiti.

Akala ko sa Pilipinas lang may ganito. Hindi ko alam may iba't ibang breed pala ang mga malalandi.

"Charence. Charence Angelo Galvan," talagang nagpakilala ang mokong.

May pakindat-kindat pa siya. Tapos tuwang tuwa naman ang babae.

"I'm...I'm single," sabi naman ng babae. Sa puntong 'yon hindi ko na napigilang hindi lumapit sa kanila.

"And I'm the wife. What took you so long Mister? I just felt our baby kicking while waiting for you," sabi ko nang pumagitna ako sa kanila. "Can I 'take' him now?"

Napatango naman ang babae tapos napaupo na rin. Nahiya rin sa wakas. Akala ko itutuloy niya ang paglandi kay Galvan.

Pagbalik namin sa table tawang tawa naman si Galvan. Ako naman nakacrossed arms lang at nakataas ang kilay na napatingin sa kanya. Naiinis pa rin talaga ako.

"Kailangan ko bang bumili ng mangga at bagoong wife?" tapos tumawa ulit siya.

Hindi talaga siya natigil kahit pa nang dumating na ang order namin.

"Am I really curious how we did 'it' or just if we did it," dagdag niya pa.

"Kumain ka na lang dyan," sabi ko.

"You really made my day Celine. How about making it real?"

""Aack.. a-ano??" nabulunan tuloy ako sa sinabi niya.

Pero agad niya rin namang inabot sa akin ang tubig.

"Sabi ko paano kung totohanin  natin," sana hindi ko na lang tinanong ulit.

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy lang sa pagkain. I never imagine na gagawin namin  'yon. Wala talaga sa isip ko ang ganoon. Two years pa lang din naman kaming kasal.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon