Chapter 85: The Threat

100 9 0
                                    

Galvan POV

"I'm going back to Celine," sabi ko kay Dad habang nagdidinner kami. Si Mika at mommy naman tahimik lang.

"Alam mo naman sigurong ikakasal na siya?" napahigpit ang hawak ko sa kubyertos. "I allowed her to do so. Nagkausap na rin kami ni Annah."

"She's still my wife Dad," kalmado pa ring sagot ko.

I won't let them break us.

"You should let go of your sister Angelo. She is your sister," natigilan ako sa sinabi ni Dad.

"No," pagmamatigas ko. "I can't let her go Dad."

I already grew up. I know what to do. I have my own choices. Hindi ako makakapayag na paghihiwalayin niya kami ni Celine. From now on, I'll have her by side. I'll protect her.

"Then Mika will be the one to marry Loriega," nabitawan ko bigla ang hawak kong kutsara't tinidor at napatingin kay Mika.

"Why are you doing this Dad?" nakita ko ang panginginig ng kamay ni Mika. "Mom?"

Mapait namang napatango si Mom. I know she can't do anything.

"Do what you want. But make sure it's a wise choice son," galit akong napatayo pero hinawakan ni mommy at pinaupo ulit.

"Just let us do what we want Dad," mahinahon kong pakiusap.

"All your life Angelo, Mikaela, I let you decide for yourselves. Hindi ba't nagpupumilit kang mag-aral dito noon nang pagdodoktor mo. You let go of the opportunity to study abroad. Hinayaan kita. Pati ang pagpapakasal mo sa sarili mong kapatid hinayaan kita. Ikaw Mikaela lahat ng gusto ibinigay namin sayo ng mommy mo," napayuko si Mika sa sinabi ni Dad. "Ngayon lang ako nakikiusap sayo Angelo. Ano na lang ang sasabihin nang iba 'pag nalaman nilang pinakasalan mo ang sarili mong kapatid."

"But she's not my sister Dad! I feel it. I love her not as my sister. I love her a a woman Dad. So please stop telling me she's my sister because she's not!"

Nagulat kami nang biglang malakas na binagsak ni Dad ang mga kamay niya sa mesa at tumayo. Galit siyang tumingin sa 'kin.

"Iyan ba ang natutunan mo sa pagdodoktor mo? You are a doctor. We had learned to believe in justification, not by mere feelings, but by verification. You should apply that Angelo," umiiyak na sila ni mom at Mika.

"What am I supposed to do Dad? I just can't give up on her. She's the first and last woman I love Dad," hindi ko mapigilang maiyak. "I... I can't a-accept her as my s-sister."

"Brace yourself Angelo. Ayusin mong buhay mo," umalis si Dad kahit hindi pa kami tapos kumain.

Napatingin ako kina mommy at Mika. Hindi ko alam bakit kailangan magkaganito kami? Nakikita ko kung gaanong nasasaktan si Mika. Ayoko rin namang masaktan siya.

Sumunod ako sa office ni Daddy. Nagdalawang isip pa ako kung pipihitin ko ang door knob. Pero kailangan kong magdesisyon bago pa ko bumalik sa Australia.

"Dad..." tawag ko sa atensyon niya. Natigil naman siya at inangat ang tingin sa 'kin.

"Ipipilit mo na naman bang hindi mo kapatid si Celine?" tanong niya.

Unti-unti akong lumuhod sa harap niya. Hindi ko naisip kahit kailan noon na magagawa ko ito. Sandaling kumunot ang noo ni dad bago nagsalita muli.

"P-please... please let m-me be with C-celine. L-lalayo kami rito. J-just let us Dad," napapikit ako nang sabihin ko 'yon.

"Kung ganoon ipapatawag ko bukas na bukas din ang mga Loriega," kinuyom ko nang palad ko nang marinig ko ang sinabi ni Dad.

"Don't control Mika's life Dad!" mariin sagot ko kay dad.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon