Chapter 62: The Game

149 14 0
                                    

Kristell POV

Hinatid ako ni Jayden. Tinigil niya ang kotse sa harap ng bahay. Pababa na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Pwede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong niya.

"Tungkol saan?"

"Are you still mad at Celine?"

"Hindi naman nawawala ang galit ko sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang Spades. Kung bakit nag-away kayo ni Renz. Pati ang puso ni Kristen-"

"Noon pa man ginusto na Kristen na maging donor. At hindi si Celine ang dahilan kung bakit hindi niya nasabi sa akin na mahal niya ako," naiinis akong bumaling sa kanya. Bakit ba lagi niyang ipinagtatanggol si Celine?

"Wag mo nang baguhin ang isip ko Jayden," bumaba na ko pero lumabas rin naman siya.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan bakit hindi niya nasabi sa akin," pumunta siya sa akin at may inilahad na sulat.

Kinuha ko ang sulat at binasa 'yon. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Bakit ba ginawa mo 'yon Kristen?

Sana sinabi mo para naintindihan ko at hindi ako nagalit kay Celine ng ganito.

Sobrang sama ko.

"Gusto kong magkaayos na tayong lahat Kristell. Sana hindi ka na magalit pa kay Celine."

Pagkaalis niya ay pumasok na ako ng bahay. I texted Celine. I have to meet her.

Pero hindi ko inaasahang kinaumagahan kailangan kong pumunta sa Avila. Buti na lang at gabi ang sinabi ko kay Celine. Bakit ba kasi naging ganito ang schedule ko?

Umuwi nga ako ng Pilipinas para magbakasyon pero hanggang dito nasundan pa ko ng trabaho ko. Pero ano pang magagawa ko narito na e.

Papatawid na sana ako nang muntikan na akong mabangga. Peste talaga ang araw na 'to. Bakit ba ang malas malas ko?

"Are you okay miss?" sinamaan ko ng tingin ang lalaking muntik makabangga sa akin.

"Mukha ba akong okay? Paano kung inatake ako sa puso!" bulyaw ko sa kanya.

Pero tumawa lang siya.

"Hindi ka naman nasugatan o nabalian. I think you are good. See you again Miss," pagkatapos niyang sabihin yon ay sumakay siya ng motor bike niya at umalis.

That guy!

Kakabwisit siya. Inis akong pumunta sa Avila. Pero siguro nga ang malas ko at nakasabay ko ang lalaking yon papasok ng elevator.

"Ikaw na naman?" nginitian niya pa talaga ako.

"Ikaw pala Miss Heart Attack. Bakit ba tayo pinagtatagpo?" nakangiti niya pang sabi.

Pinagtatagpo? Pinagtatagpo?! Siraulo na ata ang lalaking 'to. Hindi ko nalang siya pinansin. Ayokong maistress.

Pero habang papunta ako sa studio nakasunod lang siya sa akin. Kapag lumilingon pa ako ngingiti ngiti pa siya.

Papasok na sana ako ng studio nang agad niyang hinawakan ang door knob. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Hey what are you doing?"

"Ipinagbubukas ka ng pinto," sabi pa niya.

Nakacross arms pa ko nang biglang nagbukas ang pinto.

"Narito na pala kayo Miss Raymundo. Ikaw rin Mister Villanuevo," sabi ni Lexi. Siya ang team leader ng photo shoot. "Magkakilala na pala kayo."

"Ofcourse not! Sino ba yan? Paano nakapasok yan dito sa Avila?" naiirita akong pumasok ng studio.

"Siya po si Vondutch. Kilala niyo naman po siya diba. Siya yong sikat na photographer," napatigil ako't napatingin sa lalaking 'yon.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon