Celine POV
Bumalik ako sa kwarto ni France at kinuha ang gamit ko. I have to go home. I really need to think clearly.
"Trust him," natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Seb. "You have to trust him."
"M-mauna na ko," paalam ko sa kanya at nagmadaling umuwi.
Trust him.
Alam kong 'yon ang pinaka-importanteng bagay na dapat panghawakan ko ngayon. Pero 'pag naiisip ko ang sinabi ni Mika naninikip ang dibdib ko at bumabara ang lalamunan ko. I don't want to think negatively pero kusang pumapasok sa isip ko ang mga 'yon.
"Ihahatid na kita," alok ni Seb.
"No. Okay lang," pagtanggi ko.
"I insists. You're not okay. Mas makabubuti kung ihahatid kita sa inyo."
Wala akong nagawa kundi hayaan na lang siya. Pagkarating ko ay agad akong pumunta ng kwarto. Hindi ko na pinansin si mommy sa baba kanina. Naupo ako sa kama at napatitig sa kisame.
I really need some rest dahil sasabog na talaga ang isip ko.
Kristell POV
Napabangon sa pagkakahiga si Vaughn pagkaalis ni Jayden.
"Nawawala si France?" tanong ni Vaughn.
Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko kay Vaughn. France's pregnant. Baka kung anong mangyari sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala.
Napalingon ako kay Vaughn nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"I want you to tell you something," turan niya.
"What is it?"
"The reason why I can't be with France," seryosong sabi niya.
I listen attentively.
"Because she died."
Napabitaw ako sa sinabi niya.
"A-ano?"
"The one who died in the fire incident before was France and not Kristen. I don't know what happened but I knew the France who's with us is Kristen," mas lalo pa akong naguluhan sa sinabi niya.
"P-paanong..."
"That's why I told you that I love France but we can't be together before," dagdag niya pa.
Ano bang sinasabi niya? Did he hurt his head too?
"A-ano bang s-sinasabi mo?"
"You're sister Kristen is not dead. She is France."
I don't know what to say. Ayokong maniwala. Naguguluhan pa rin ako. Si Kristen si France? Paanong nangyari 'yon? They are totally different. Oo may pagkakapareho sila but France is France and Kristen is Kristen. They are two different individual.
I can't believe this!
Celine POV
Nagising ako nang may biglang kumatok sa pinto. Ano na naman ba ang kailangan ni mommy? Binuksan ko naman ang pinto kahit gusto ko pa talagang matulog.
"Did I wake you up?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa boses na narinig ko.
Galvan!
"B-bakit ka n-nandito?"
Bakit ka pumiyok? Haaays! You're really messed up Hannah Celine.
"I want to check on you. Kanina ko lang nalaman na nawawala si France. Hanggang ngayon hindi pa siya nakakabalik. We still don't know where did she go," sagot niya.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomanceLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.