Chapter 139: The Untold Story 3

62 4 0
                                    

Third Person POV

Pumunta si Mikael sa laboratory upang kunin ang resulta ng kanyang pasyente ng makita niya ang isang maliit na bote na may laman na formula ng kanyang ama. Kinuha niya ito at nilagay sa bulsa ng lab gown niya at bumalik sa kanyang pasyente matapos makuha ang kanyang kailangan.

Pumunta siya sa kanyang opisina at tinitigan ang formula. Napabilib siya sa gawa ng kanyang ama. Inilagay niya ulit sa loob ng bulsa niya ang formula ng may biglang pumaso sa kanyang opisina.

“Inatake naman po si Mr. Bautista,” sabi ng Nurse.

“Nakailang dosage na po ng painkillers pero hindi pa rin po nawawala ang sakit.”

“Call the team. We’ll do the operation now,” sabi ni Mikael bago sila lumabas ng opisina.

Isinuot niya ang kanyang operating gown at siniguradong malinis ang kanyang mga kamay bago pumasok sa general surgery room. Kumpleto na ang kanyang team at nagsimula na sila.

“Scalpel.”

Inumpisahan niya ang operasyon nang walang pag-aalinlangan. Nalaman ito ni Raphael kung kaya’t agad itong pumunta sa general surgery room. Mula sa taas ay tinawagan niya niya ang team. Sinagot ito ng isang miyembro.

"Stop that operation right now Mikael!"

"We're going on," sagot ni Mikael bago pinapatay sa miyembre ang intercom pati na ang recording ng operasyon. "A bigger forcep."

Ilang oras na pero hindi pa rin nila nakukuha ang tumor.

"It's dropping from 65!"

"Get the oxygen supply running," utos niya.

Nang masolusyunan nila ang komplikasyon ay mabilisan nilang tinapos ang operasyon upang hindi na muli pang magkaroon ng panibagong komplikasyon.

Pagkatapos ng operasyon ay bumalik si Mikael sa opisina at nagpahinga. Pero ilang minuto lang ay pumasok ang nurse sa opisina niya.

"We have a problem Doc. We had removed the tumor but the cancer cells had spread out beforehand," kinakabahang sabi ng nurse.

Agad naman siyang pumunta sa room ni Mr. Bautista. Kung ganoon alam na pala ng kanyang ama ang sitwasyon kaya't pinapatigil siya sa operasyon.

Napaisip siyang mabuti at doon niya naalala ang formula ng ama. He doesn't know how it works but he somehow need to do this. Pinaalis niya muna ang nakabantay at nurse. Sinigurado niyang hindi siya makikita sa CCTV bago itinurok ang formula kay Mr. Bautista. Paglabas niya ay kinausap niya ang nurse.

"Kumuha ka ng blood sample mula kay Mr. Bautista at ipatest mo ulit sa lab. Then we'll see if we succeed."

Isang linggo matapos ang operation ay naging malakas ulit si Mr. Bautista at tuluyan na ngang nawala ang sakit niya. Laking pasasalamat nito kay Mikael.

Hindi naituloy ni Raphael ang pagsuspende sa anak nang dahil sa napagtagumpayan nito ang operasyon pero kinausap niya ang anak.

"I heard the tests from the laboratory shows the cancer cells spread out before the operation," turan ni Raphael.

"I asked them to test the sample again. Sa tingin ko nagkamali ang unang ibinigay nilang result," seryosong sagot ni Mikael.

"Is that so?"

"You always remind us with the hospital rule. There are always consequences for your actions. I won't do some actions that might result to worst consequences Dad," dagdag pa niya.

Lingid sa kaalaman ni Mikael ay naroon si Annah nang kinuha niya ang formula sa laboratory. Kinausap ni Annah si Jibreel.

"Alam mo ba 'yong kulay asul na formula sa lab?"

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon