Chapter 109: The Song

67 5 0
                                    

Celine POV

Ang awkward ng nila Kristell at Vaughn. Pareho silang ayaw maligo sa dagat pero hindi naman sila nag-uusap dalawa kahit sila na lang naiwan. Nakakainis naman kasi si Vaughn. Bakit niya pa nikwento sa akin? Pati tuloy ako namumroblema.

"Titig na titig ka na naman kay Vaughn," napatingin naman ako kay Galvan.

"Anong titig na titig? Napatingin lang titig agad?" sabi ko naman kanya.

"Pwede namang sa akin ka mapatingin bakit sa kanya pa?" napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Ayaw mo na ngayon ng doktor? You want a photographer now?"

Natawa na lang talaga ako sa kanya. Para siyang sira. Mukha ba akong may gusto kay Vaughn?  Ang gulo na nga nilang tatlo dadagdag pa ako.

"Alam mo ang labo mo. Doktor pa rin ang gusto ko," nakita ko ang pagngiti niya.

Baliw...

"Prove mo nga. Halikan mo 'ko," nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Anong halikan ka dyan? Binubully na nga ako sa paganyan ganyan...tapos... Next time," sabi ko sa kanya.

"Gusto ko ngayon," nagpout pa talaga siya.

Ayan na naman ang puso ko. Haaays! Wag ka ngang papadala sa pagpapacute niya.

"Next time," sabi ko saka umahon na.

Nagbuild kami kasi ng bonfire dito malapit sa dagat. Tumabi kay Kristell. Si Galvan naman nakikulitan kila ni Kaye at Em.

"Kukuha ako ng drinks sa loob," sabi ni Seb saka pumasok sa bahay ni Vaughn.

Umahon na rin naman sila France at Mika. Mukhang nagkausap din sila. Nagkatawanan kasi sila.

"Di ba may gitara ka? Pahiram ha?" sabi ni France ng makalapit na siya sa amin.

"Nagpatagalan kami underwater. She lose so I told her to sing for us," nakangiting sabi ni Mika.

Si Kristell naman pangiti ngiti. Pero alam ko sa kaloob looban niya. Nasasaktan na siya. Alam ko kaya mo 'yan Kristell. Sakto namang pagbalik ni France umahon na rin sila Galvan.

"Marunong ka magitara?" tanong ni Jayden kay France.

"Hindi lang gitara. Marunong din 'yan sumayaw at kumanta. Super talented niyan. Ewan ko ba paano natuto 'yan," pagmamayabang pa ni Seb.

Ngumiti lang si France saka nagsimulang magtugtug.

🎶I see your face in my mind as I drive away
'Cause none of us thought it was gonna end that way.
People are people, and sometimes we change our minds.
But it's killing me to see you go after all this time.🎶

Ang ganda pala ng boses niya. Tama nga naman si Seb. Talented nga siya. Marunong na magitara marunong pang kumanta. Sobrang lamig ng boses niya. Pati nga sina Jayden at Em napapatitingin sa kanya. She feels her music. She sings it with her heart.

🎶 Music starts playin' like the end of a sad movie.
It's the kinda ending you don't really wanna see.
'Cause it's tragedy and it'll only bring you down.
Now I don't know what to be without you around.🎶

She might be silent type but there's something in her that you'll be really interested. Kaya pala ganoon na lang ang pagkakaibigan nila ni Galvan. She is really a good friend if we were just going to accept her and let her show her true emotion.

🎶And we know it's never simple, never easy,
Never a clean break. No one here to save me.
You're the only thing I know like the back of my hand.🎶

Nakatingin lang si Vaughn sa kanya. Pagkatapos ikwento aa akin ni Vaughn ang tungkol sa kanila ni France parang ang awkward na para sa akin. Hindi ko rin masabi kung may gusto pa nga talaga si France but I'm sure Vaughn is still into her.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon