Chapter 126: The Suspicious Son

68 5 0
                                    

Galvan POV

Magmula ng malaman ko ang tungkol sa korporasyon na pinamumunuan ni Dad hindi na ako tumigil sa kakahanap ng impormasyon. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano ni Dad.

Gusto kong malaman kung anong dahilan ni Dad at Tita Annah kung bakit nila kami pinalabas na magkapatid ni Celine? Ang alam ko magkakilala sila noon pa man.

*Flashback*

"Mom do you know Tita Annah before?" tanong ko kay Mom noong makabalik ako ng bansa.

Hawak ko na ang DNA result namin ni Celine. Negative ang lumabas. Pero gusto kong malaman kung bakit ginawa iyon ni Dad at Tita Annah. Bakit sinabi nilang magkapatid kami?

"Oo naman. Kaibigan ng lolo mo ang daddy at mommy ni Annah. Pero naaksidente silang dalawa. Buti nga at hindi nila kasama si Annah noong panahong naaksidente sila," pagkukwento ni mommy.

Pinlano ko talagang dalawa lang kami ni mom ang nandito sa bahay. Kailangan ko mag-ingat sa mga kilos ko.

"Anong aksidente mom?"

"Biglang sumabog sinasakyan nila. Kaya nga ikaw mag-iingat ka," payo pa ni mom sa akin. "Bakit mo nga pala naitanong?"

"I'm just curious. I want to know things about Celine," pagdadahilan ko.

Buti na lang at parang naniwala naman si mommy. Ano nga kaya ang dahilan nila Dad kung bakit nagsinungaling sila sa amin ni Celine?

That car accident.

Hindi kaya may kinalaman si Daddy sa nangyari?

"Kailan po nangyari ang aksidente na 'yon mom? I mean may okasyon ba?"

"Sa pagkakaalala ko nagpatawag ng meeting ang lolo mo. Sabi niya bibigyan niya ng posiion ang dalawa sa hospital," napaisip ako sa sinabi ni mom.

I really need so much info. I have to find the missing pieces of the puzzle.

*End of Flashback*

Kaya pala ayaw nila maging kami ni Celine. There's something between our family. At kung ano man 'yon kailangan kong malaman 'yon bago pa man makarating kay Celine. I don't want her to be hurt again.

"Hello Sir? Nasa Miss B Cuisine po ngayon si Sir Mikael. Malapit sa GMH," sabi sa akin ng informant ko sa tawag.

Miss B Cuisine?

Ano namang gagawin ni dad doon? Imposible namang kakain siya roon nang ganitong oras. Past 2pm na.

Agad naman akong tumungo roon. Wala na si Chairman Lee. Sino naman ano naman kaya ang pupuntahan niya? Si Eloisa kaya?

Tamang tama ang dating ko. Hindi na ako lumabas ng sasakyan. I can see them from my spot. Mukhang nag-uusap sila. Hinintay kong umalis si Daddy bago pumasok ng restaurant. Pagkaalis niya agad akong lumapit kay Eloisa.

"Charence?"

"I just want to know something.
Anong pong sinabi ni Dad sa inyo? I really have to know po," mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.

I just want to know everything. I want to know every single detail. Dahil hangga't wala akong nalalaman nagkakaroon ng dahilan para hindi kami magkasama ni Celine.

"He is asking about the late Chairman. He is looking for the drive," sabi naman niya sa akin.

"Drive?"

Anong drive? Bakit naman hinahanap ni Dad ang drive na 'yon?

"Alam mo naman siguro ang tungkol sa Ischyròs. Ang drive na hinahanap nang daddy mo ang makapagpapanatili sa kanya sa posisyon niya ngayon. Kaya kailangan niyang makita agad 'yon," saad ni Loisa. "Yan lang ang alam ko. I have to go. Marami pa akong kailangan gawin."

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon