Celine POV
I crossed my fingers and closed my eyes. Then I wished.
'Sana magkasama na talaga kami ni Galvan'
Napatingin ako kay Galvan. Nakapikit pa rin siya't humihiling. Akala ko ba natupad na ang hiling niya. Sana matupad ang hiling namin.
Tumingin siya sa akin.
"Anong iniwish mo?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Pwede bang hindi ko na sabihin? Baka naman kasi hindi matupad," sagot niya.
Sabagay. Basta kung ano man ang wish niya sana matupad talaga.
"Pwede mo ba akong kantahan?" nakangiti naman akong napatingin sa kanya. "Gusto ko lang kasi talaga marinig kang kumanta."
Nakatingin siya sa akin. Hindi man lang ako nakapractice kumanta.
"Ehem... Ehem... Wag mo kong tatawanan ha?"
🎶Kahit ikaw ay magalit
Sa’yo lang lalapit
Sa’yo lang aawit
Kahit na ikaw ay nagbago na
Iibigin pa rin kita
Kahit ayaw mo na🎶Alam ko kahit na ano pa ang mangyari sa amin. Kahit gaano pa karaming pagsubok ang harapin namin. Alam ko babalik at babalik pa rin kami sa isa't isa. Kahit pa na magkalayo kami sa mahabang panahon mananatili pa rin ang nararamdaman namin.
🎶Tatakbo, tatalon
Sisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip lahat ng ito🎶Kahit pa na alam kong magkapatid kami. Kahit na sabihin pa nila. I will still stick with what I feel. Ilalaban ko pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya.
🎶O, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na wag ka nang lumihis
Tayo’y mag usap, teka lang, ika’y huminto
Wag mo kong iwan, aayusin natin ‘to
Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?🎶Kahit ilang ulit pa niya akong iwan. O ipagtulakan babalik at babalik pa rin ako sa kanya.
🎶Lapit nang lapit, ako’y lalapit
Layo nang layo ba’t ka lumalayo?
Labo nang labo, ika’y malabo
Malabo, tayo’y malabo🎶Ayokong isipin kung ano man ang iisipin ng iba. Ayokong pakinggan kung ano man ang sasabihin nila. Wala akong mgagawa kung ganito kami. How am I supposed to unlove him? Alam ko malabo kami pero alam kong tama ang nararamdaman namin.
🎶Bumalik, at muli ka ring aalis-
"I won't leave," napatigil ako sa sinabi niya. "Hindi ako aalis. I will stay. I will keep you with me."
"A-alam k-ko," nauutal tuloy ako. He is so serious.
Bumalik na kami sa room namin. Magkahawak kamay kami pero kinakabahan pa rin ako sa kanya. Bigla bigla na lang siya kasing naging seryoso.
Pagdating namin nauna siyang nagpalit. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Jayden. Sana okay lang sila ni France. Mukha kasing hindi sila magkasundo.
Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko nang biglang magpop-out ang name ni mommy.
She's calling me!
Ano bang gagawin ko? Sasagutin ko ba o hindi?
"Answer it," hindi ko namalayan ang paglapit ni Galvan.
"Pero kasi..."
"She's your mom. You should talk to her," umupo siya sa tabi ko at hinawi ang buhok ko. "I don't care if they do not want us. I will never let them take you away from me again."
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season II
RomanceLove can be a 'happy ever after' or just a 'once upon a time'.