Pumasok ako sa silid na kinaroroonan ng mga anghel ko. They're both sleeping tightly. Umupo ako sa gilid ng kama at marahang dinampihan ko sila ng halik sa noo.
I smiled habang may tumakas na luha mula sa mga mata ko.
Ang laki na nila, kinabukasan ay mag lilimang taon na sila. Ang bilis ng panahon, parang dati lang karga-karga ko pa sila sa mga bisig ko and tomorrow they're already turning five.
"Promise ipapasyal kayo ni Mama bukas, babawi ako," bulong ko.
Inaamin kong hindi madaling maging single mother. Simula nang nalaman kong buntis ako ay natakot ako, hindi para sa akin kundi para sa kanila.
Wala akong trabaho, wala akong taong magpaghihingian ng tulong, dahil paniguradong maging ang pamilya ko ay ipagtatabuyan nila ako dahil matapos akong maglayas sa bahay ay babalik akong buntis. At puno ng guilt ang naramdaman ko noon dahil ang laki ng kasalanan ko sa kanila. Kaya gustuhin ko mang humingi ng tulong sa kanila ay hindi ako nagpakita. Mad lalo ko kang silang masasaktan.
Naisip ko naman ang sitwasyon ko.
Paano ko bubuhayin ang bata sa loob ng sinapupunan ko? Iyon ang naiisip ko dati.
Ngunit sa kabila ng sakit na dinanas ko dahil sa nangyari ay may dumating na taong malaki ang naitulong sa akin. Nagkaroon ako ng isang kaibigang naging katulong ko sa pagpapalaki ng mga anak ko. Dahil din sa kanya ay nagkatrabaho ako at napalaki ko ang mga anak ko ng maayos. 'Yung akala kong isang bata lang ang nasa loob ng sinapupunan ko ay kambal pala ang mga iyon.
Hindi man ako naging best Mama para sa kanila kasi walang oras para makipaglaro o maipasyal man lang sila dahil kailangan kong magtrabaho buong araw at minsan ay inaabot pa ng madaling araw upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Gagawin ko pa rin ang lahat magkaroon lang sila ng magandang kinabukasan.
At bukas, bukas na bukas ay sa kanila lang ang oras ko.
"Mama, you're crying again." Pinunasan ko naman agad ang basa kong mukha.
Hindi ko inaasahan na magigising ang maganda kong anak.
"Ah, hindi 'no," sabi ko tapos ngumiti sa kanya. Sumimangot naman ang baby ko.
"Mama, hug kita para 'di ka na iyak." Para na akong tanga na ngumingiti habang umiiyak.
Akira is a sweet little girl as well as her twin Kyara, kahit sabihin ko pang may pagaka-mataray at masungit ang mga batang ito sa ibang tao. Siguro namana nila ang ama nilang ubod ng sungit o sadyang nahawa sila kay Amira.
"Ako rin po!" Kyara screamed. Gising din pala siya. Lumapit silang dalawa sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napapikit ako dahil sobrang sarap sa pakiramdam ang ginawa nilang pagyakap. Lahat ng pagod at stress ko ngayong araw ay nawala ng tuluyan.
They're the best gifts I've ever received.
"Huwag ka na iyak mama," sabay nilang sabi at pinunasan nila ang luha ko.
Napaka emosyonal ko lang pagdating sa kanilang dalawa. Hinalikan ko sila sa mga pisngi nila.
"Hindi na," ngumiti ako. "Sorry, nagising ko pa kayo. Let's sleep na ulit?" Tanong ko. Umiling naman silang sabay. Magkambal nga.
"Hmm, bakit naman? Anong oras na oh." Past 10 PM na kasi at kakauwi ko lang dahil sa may event sa restaurant kanina.
"Baka po kasi paggising namin wala ka na ulit." Kyara said habang nakasimangot.
Parang gusto ko ulit umiyak. Alam kong nagkukulang ako ng oras sa kanila dahil kailangan kong magtrabaho kahit may ipon naman na pero gusto ko lang makasigurado na okay na okay na ang future nila. I'd love to give the best life for them. Iyon nga lang, nalilimitahan ang oras ko para sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 2: Owned By Him
Action|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWNED BY HIM --- Past that makes them meet again Past that kept them hurting Ang nakaraan din ba ang babago sa kanilang kasalukuyan? After all...