Chapter 3

39.1K 902 27
                                    

5 years ago...

I was in my room combing my hair nang marinig ko na namang nag-aaway sila Mama at Papa. Tsk. Ano pa bang bago? Lagi nalang silang ganyan, nakakarindi na.

Bumukas ang pinto at pumasok si Papa. "Ikaw Kyana, wala ka na bang balak tapusin ang pag-aaral mo at magpaparty nalang gabi-gabi?! Wala ka bang balak na magtino?!" Napairap nalang ako mentally. Bakit napunta na naman sa akin? Ano bang pakialam nila sa buhay ko?

"Hay nako! Iyang babaeng 'yan, hindi mo siya maaasahan. Hayaan mo na siya magpapagod ka lang kakasermon, eh parang wala namang naririnig 'yang anak mo. Manang mana sayo!" Sagot naman ni Mama na kakapasok lang din ng kwarto.

"Pwede bang tumahimik ka, Stella?"

"Oh ano? Kaya siya nagkaka-ganyan dahil sa pangungunsinti mo!"

I just closed my eyes tightly. Bakit ba ganito sila sa harap ko?

"Hindi ko siya kinukunsinti!"

"Eh anong tawag diyan sa ginagawa mo?!"

"Pwede ba?! Kayo pong dalawa ang manahimik! Kanina pa kayo nagsisigawan, hindi pa ba kayo napapagod? Kasi ako pagod na pagod nang marinig yang pag-aaway niyo araw-araw!" That's it, hindi ko na kayang manahimik. Hindi ko gustong sigawan sila pero iyon lang ang alam kong gawin sa mga oras na ito para manahimik sila.

"At ngayon sinisigawan mo na kami?" Tanong ni mama, seryoso akong nakatingin sa kanya.

"Hindi ko gusto pero napilitan ako. Naisip niyo ba kung ano ang mararamdaman ko sa tuwing nag-aaway kayo huh? Bakit hindi nalang kayo tuluyang maghiwalay nang matapos na?! Atsaka kailan pa kayo nagialam sa buhay ko?! Wow bago 'yon ah, pero hindi ko na kailangan. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa inyo! Kung wala akong kwentang anak sa inyo, bakit may kwenta ba kayong mga magulang sa akin?!" 

Naramdaman ko nalang ang mahapding sampal sa kaliwang pisngi ko na galing kay Mama. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa sampal o dahil sa mga sinabi ko. But they need to hear that, baka sakaling maisip nila lahat nang pinagagagawa nila.

"Wala kang respeto!" Sigaw ni Mama, pinipigilan ang iyak. Hindi ako sumagot. She stormed out of my room. Alam kong masakit para sa kanila ang mga sinabi ko.

"Lumayas ka ngayon din sa pamamahay ko. Wala akong pinalaking anak na ganyan kabastos sa magulang niya. Wala kang respeto. Wala kang utang na loob."  Kalmado pero seryosong sabi ni Papa. Natulala nalang ako sa sinabi niya. I want to say no and I'm sorry, pero hindi iyon lumabas sa bibig ko at tumalikod na siya sa akin.

Napaupo ako sa kama. Alam kong sumobra ako pero inilabas ko lang naman lahat ng hinanakit ko sa kanila!

Ilang minuto rin akong nakatulala at nagsimula ko nang ayusin ang gamit ko. Hindi ba't ito naman ang gusto ko dati pa? Ang maglayas? Pero bakit parang ang hirap gawin 'yon ngayon na magulang ko na ang nagsabi?

Kung alam lang sana nila na sila ang dahilan kung bakit naging rebelde ang anak nila.

I just want a complete happy family. Oo mayaman nga kami pero hindi ako naging masaya doon kung nakikita ko namang laging nag-aaway ang mga magulang ko simula pa nang mag fourteen ako. Simula noon, napabayaan na nila ako, hindi ko na sila makausap tila ba may kanya-kanya na kaming mundo. Kaya nga nagrerebelde ako para man lang mapansin nila ako pero puro sarili lang naman ang iniisip nila. Anim na taon kung tiniis iyon. Pakiramdam ko wala silang anak. Parang wala silang anak na ang hinahangad lang naman ay ang oras nila. I stopped from studying kahit gagraduate na sana ako this year. Alam kong ang immature ko na gusto kong mapansin pa rin ako ng mga magulang ko but that's the only thing I want. Oo napansin nga nila ako pero huli na ang lahat, kung kailan napuno na ako at hindi ko na kaya. And now because of what I did, pinapalayas na ako sa bahay na ito.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon